Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


September 22, 2007

I-Cattleya

bilang isang "TEACHER"
extension ng buhay mo ang buhay ng bawat batang tinuturuan mo..
problema mo ang mga problemang nakaka-apekto sa pag-aaral nila..
kung walang tasa ang lapis, kailangan mong tasahan..
kung walang lapis, kailangan mong bilhan..
kung walang pambura o pantasa, kailangan meron ka para may mahihiram sila..
kung walang papel dahil walang pambili, kailangan manghingi ka sa mabait na meron para may maibigay ka..
kung walang notebook na susulatan ng mga letra at numerong pilit mong isinasaksak sa utak nila, kailangan mong bilhan, lubusin mo na din, takpan mo na..
kung walang baon, bigyan mo ng baon..
kung hindi pa kumakain ng umagahan, walang pang-tanghalian, pakainin mo.. lubusin mo na din, bigyan mo ng pambili ng pagkain para sa hapunan..
kung walang tsinelas, bilhan mo ng tsinelas, 'yung buy one take one na para 'pag nasira 'yung isa, merun pang isa..
kung hindi din nakarehistro, walang birth cerificate, iparehistro, gamitin ang mga koneksyon kung meron man para mapabilis ang proseso..
kung nalulungkot, patawanin..
kung umiiyak, patahanin..
kung inaantok, gisingin..
kung nagkakalat, paglinisin..
kung ayaw makinig, pukpukin.. pukpukin ng mga pa-alala.. ng mga pangaral.. ng malasakit.. kailangan nila mga 'yon para matuto silang tulungan mga sarili nila..

hindi biro ang hawakan ang kwarenta'y singkong bata araw-araw..
hindi biro ang intindihin sila.. ang ayusin sila..
pero 'yun ang trabaho ko.. kailangan magawa ko 'yun kaya ko man o hindi..

binabayaran ako ng gobyerno para turuan silang magbasa at magsulat pero hindi lang pala 'yon ang trabaho ko..
obligasyon ko din na gawin silang mga batang may direksyon..
kahit hindi ko din alam kung paano..

No comments:

Post a Comment