Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...
May 18, 2009
May 11, 2009
NEED A HUG
Ganun talaga.. hindi tayo maganda, hindi sexy, hindi sosyal, hindi mayaman.. Pero tanong ni Mam Lisa, bakit ‘yun lang ba? EWAN KO.. Siguro.. Hindi rin naman ako mabait.. Nakakalungkot.. ka-chat ko si Jeraldine kanina, sabi ko nga sa kanya, sana nandito sila.. sana may aakap sa ‘kin at magsasabi na OKAY LANG YAN KAIBIGAN..
Umasa kasi ko.. akala ko iba siya.. pero ganun din naman pala.. hindi din ako importante sa kanya..
Wala na kong magagawa.. ayoko ng saktan ng saktan pa yung sarili ko.. masyado ng masakit ang mga katangahan at kagaguhan ko sa pagmamahal sa kanya.. mas kailangan ko na lang sigurong mas mahalin yung sarili ko.. at kalimutan lahat.. kahit hindi ganun lang kadali yon..
Alam niyo ba yung araw na umalis ako ng cabanatuan para lang makasama siya kahit sandali lang, that was the bravest point in my life.. Tinalikuran ko yung pamilya ko, iniwanan ko yung trabaho ko, kinalimutan ko muna lahat.. kasi mahal na mahal ko siya.. At yun na lang siguro yung matitira sa kin.. yung pagkakataon na ginawa ko yung magagawa ko to be happy, kahit sandali lang..
Pagbalik ko ulit dito sa Cabanatuan, puro problema ang binalikan ko.. pero kinaya ko lahat.. iniisip ko na lang na naging masaya naman ako..
Nagmahal lang naman ako.. Akala ko kami na talaga.. Pero hindi pala.. Nag-iilusiyon lang pala ko.. Sa isip ko lang may kapupuntahan yung KAMING DALAWA..
Iiyak na lang ako ngayon.. dahil bukas, gano man kasakit.. sa ayaw man o gusto ng isip ko, kakalimutan ko na lahat.. pagod na ko.. ayoko na.. hindi ko na kaya..

May 3, 2009
DANGER
Nakaumpok ang mga kapitbahay sa labas, may lalaki daw kasi na umaaligid.. Tapos sabi ni Muno, nakita daw niya yung Arman, yung hinuli ni papa dati, sa drugs.. Nung unang nakalaya yon, ilang gabi din niyang binabato yung bahay namin.. Nakakatakot siyempre.. kasi hindi naman natin alam ang takbo ng isip ng mga tao.. Katabi ko mang matulog yung binigay sa kin ni soldier, e ang tanong KAYA KO BANG GAMITIN? Hmpp.. hindi talaga ako marahas na nilalang.. kung alam lang nila kung gano kahina yung akala ng lahat na matigas na tao.. hindi ako ganon.. muka lang..
Kaya nga siguro nilagay ako ni lord sa teaching kasi mahina ako.. Haha.. Alam ko yon.. Alam kong hindi ko kayang maging malupit.. Hindi ko matatagalan na manapak ng ibang tao..
Nakakalungkot.. sa araw-araw na nakikita ko ang mundo.. minsan parang ayoko na ngang lumabas.. minsan iniisip ko na sana bata na lang ako ulit.. madami pa din akong hindi alam at hindi naiintindihan.. at ang mahirap, ngayong matanda na ko, mag-isa ko lang sa lahat.. gusto kong umiyak na nga lang.. uhauhauha, hehe, pero nagdadasal na lang ako na sana wag akong pabayaan ni lord.

May 2, 2009
FINE
ayoko din na magalit ng magalit na lang.. wala nga akong ginagawang masama, pero hind naman mabuti yung nararamdaman ko at iniisip sa kanila..
bahala na si lord sa ating lahat..
Subscribe to:
Posts (Atom)