Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


July 8, 2012

JONATHAN

Gusto kitang akapin ng mahigpit at sabihin sayo na mahal na mahal na mahal kita..Pero wala akong magawa ngayon kundi umiyak na lang, gaya noong umalis ka... Ayokong umalis ka non kasi ayokong mag-isa... Pero alam ko na hindi ko pwedeng ipagkait sayo yung pagkakataon na makabangaon ulit. Mahal kita kaya kahit mahirap para sa akin na umalis ka, hinayaan kita.. Tanggap ko lahat. kahit hindi mo nga ako maidate dati, hindi naman ako naghanap.. Masaya na ko sa 7 eleven lang, basta kasama kita.. Hindi naman na natin inexpect na makasampa ka pa, blessing na lang na nakaalis ka ulit. Hindi kita iiwanan kahit na anong mangyari.. Naalala mo nung hindi ka makalakad dati at hindi ka matayo, inalagaan kita. PINUPUNASAN PA KITA, LAHAT-LAHAT haha! Lagi mo yong iisipin. Hanggang sa pagtanda ko, hanggang kaya ko, aalagaan kita at pupunasan kita... Isa lang naman ang hiling ko sayo, huwag na huwag mo kong lolokohin, dun kita hinding-hindi papatawarin... Mahal na mahal kita, Langgam! See you soon!