Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...
May 28, 2013
Sana maisip ninyo na habang kayo ay nagngingisngisan, kami ay NILALAPASTANGAN SA LANSANAGAN. Wala naman kaming angal sa trabahong 'to. Ayan, nagtitiis kami sa sobrang init, nagtitiis sa uhaw, sa gutom. Kahit naliligo na kami sa ulan, naliligo ng pawis. kahit na nahihilo na kami, masakit na ang ulo, ang paa, ang loob, sige pa din kami. Wala naman kayong maririnig na reklamo sa amin. Kahit nga IILANG TEACHER LANG ang nahihirapan ng ganito. Kung SERBISYO at SAKRIPISYO ang pag-uusapan, sana walang pabori-paborito. Dahil hindi madaling habulin ng aso, hindi pinapansin, tinatalikuran, napapagkamalang masamang tao. Hindi naman namin hinihinging maapreciate ninyo kami, sana lang, kahit konti lang, huwag ninyo ng pabigatan ang loob namin...