Naiinis ako dahil alam ko wala namang makakasalat sa kung ano mang damdamin ang meron ako ngayon..
Gusto ko sana pumunta ng simbahan kanina pero hindi ko na lang itinuloy dahil masamang-masama ang loob ko..
Ayokong lumayo kung nasan man ako ngayon dahil ‘yun na lang ang natitira sa ‘kin.. Sa bawat sulok ng kwartong ‘yon, nandun ang lahat.. Nandun ang mga batang punung-puno ng buhay, punung-puno ng pangarap, punung-puno ng pag-asa..
Pero hindi ko hawak ang pagkakataon.. At ayoko na ding ilaban ‘yung katwiran ko.. Kahit ga’no kasakit para sa ‘kin na bitawan ang lahat-lahat, wala na ‘kong magagawa..
Teacher ako.. ‘Yun na lang ang kaya kong ipagmalaki sa sarili ko.. Kahit na hindi ako magaling.. Kahit na madami din akong pagkukulang..
Ang hinding-hindi ko makakalimutan sa lahat ay ‘yung mga tunay na kaibigan na hindi natakot ilapit ang sarili nila sa ‘kin sa kabila ng paglayo ko sa kanila..
Maraming salamat sa inyong lahat.. Salamat sa pagmamahal.. Salamat sa pagbibigay niyo sa ‘kin ng matinong direksiyon..
Kaya ‘ko ‘to;(
No comments:
Post a Comment