Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


July 14, 2009

HAY NAKU!!!

may casualty kahapon sa isang alaga ko.. naisip daw nila na dapat ako ang tinawag nila kasi "CLOSE" kami.. ewan ko, natatawa na lang ako 'pag sinasabi nilang lahat ng mga OUT OF THIS WORLD e malapit sa 'kin.. because no wonder dahil ganun naman ako.. WHATTTTT??? hindi ko din ma-explain kung bakit malakas ang appeal ko sa mga SPECIAL CHILDREN.. dahil ba autistic din ako noon? ngehehe:)nauunawaan ko sila, ganon? hay naku, alam ko na dati akong siraulo.. who would thought na magiging teacher ako? well, lahat naman ay may karapatang magbago.. KAYA iniisip ko na lang na magbabago din ang mga alaga ko.. hehe:)

July 12, 2009

HEALING

i was surprised by a call.. suddenly, na-boost na naman ang spirit ko.. knowing that he still remembers me, enough reason to bounce back.. hehe:)
it's almost a year since i've been trying to live my life with some spaces in my life empty.. sabay-sabay silang nawala.. i even asked god bakit ganun, he had not given me a fight.. biglaan lahat.. at wala akong nagawa.. hindi ko nakaya 'yung mga nangyari.. nag-cracked talaga 'ko.. and no one was there.. can you imagine those days na ayoko ng gumising.. hindi ko alam how i would get up from everything and move on.. 'yung mga sick-call chuva ko, charing lang talaga lahat.. ayoko lang talagang lumabas.. hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.. inis na inis ako sa sarili ko kasi kung kailan ako tumanda tsaka ako naging ganun ka-helpless..
but really, there is always a time for healing.. i've said this before, that's the only assurance we can get from our experiences.. siguro god let this day happen na din kasi i've already learned to step on acceptance level.. even i am not completely healed but hopefully very soon, i'll get there.. konting panahon pa..

July 10, 2009

HERSHEY

malaki ang kasalanan ko sa kanya bilang isang teacher.. everytime na nakikita ko siya outside my classroom, sobrang guilt 'yung nararamdaman ko.. tama naman 'yung prof ko nung college sa rizal, THERE ARE TWO THINGS WE CAN DO TO OUR STUDENTS: MAKE OR BREAK THEM.. masakit mang aminin, alam ko I broke him.. I am responsible sa kung ano man siya ngayon.. alam niyo siya 'yung isa sa mga dahilan kung bakit ayokong umalis ng ACA.. up to now, sila 'yung nagbibigay ng dahilan sa 'kin to stay.. kaya hanggang ngayon hindi pa din ako sumusuko na mabigyan siya ng mas magandang pagkakataon na mabuhay.. kahit sinasabi ng kapatid ko na YOU CAN'T SOLVE EVERY PROBLEM IN THIS WORLD.. alam ko.. pero alam ko din na may magagawa naman ako kahit pano para makatulong sa pagbabago..
on monday, i am expecting he will come and accept my offer to be a part of my class again.. help me pray for the kid..

July 7, 2009

SUPERGIRL

matigas talaga ang ulo ko, naligo ako sa ulan kanina.. HAHAHA:) couldn't help it.. it's one of the things I really love doing, kahit na matanda na ako.. uminom na lang ako agad ng BIOFLU, hehe:) alam ko na ang kahihinatnan ko na naman.. pero kahit na lumala ang sakit ko, nothing compares to the moment na nag-eenjoy ka sa isang bagay na ginagawa mo.. ang saya-saya.. i feel free 'pag ginagawa ko 'yon.. kung nakita niyo pictures ko sa ACA na nakalusong sa tubig sa baha, tuwang-tuwa ako non kahit na kader-der hehe:)

July 3, 2009

TRUTH

Sori kasi naging bad girl ako.. hindi ako naging perfect daughter.. I didn’t shine in class like Ate Shane, all her life as a student.. I used to be one of everybody’s headaches.. regular customer ng Principal’s office.. isang rebelde.. one of the worst.. isang patapon.. That was me..
Pinilit ko namang magbago.. para hindi ako maging nakakahiyang anak.. kahit na galit ako sa’yo.. kahit na kinalimutan ko na ‘yung sarili ko para lang ipagmalaki niyo ‘ko..
Alam ko nabasa mo ‘yung journal ko kaya tinext mo ‘ko ng ganun kanina.. You have read how you broke me.. Umiyak na lang ako kanina.. kasi for almost 23 years of my life, tinago ko na lang lahat ng sama ng loob ko sa inyo.. Sa’yo.. Kasi ikaw.. napaka-unfair ng naging treatment mo sa ‘kin.. I grew up hating myself because my own mother didn’t show me my worth.. Naalala mo ba ‘yung pinaghihinto mo na ‘ko ng pag-aaral? Napahiya ako sa harap ng mga kaklase ko.. Ikaw dapat ang kakampi ko pero iniwan mo ‘ko.. Hindi ka naniniwala sa ‘kin.. hindi kasi ako kasing galing ni Ate.. sabagay, buong mundo naman ang nagpamuka sa ‘kin na pagdating sa kanya, walang kwenta ang buhay ko..
Pero sa kabila ng lahat, nanay kita.. at mahal kita.. Sana dumating ‘yung araw na maramdaman ko naman na proud ka sa ‘kin.. ‘Yun lang..
HAPPY BIRTHDAY, MAMA..

OFFLINE MESSAGES

Marites Diaz
Reply8:45 AM 7/4 hi jona
8:46 AM 7/4 cencya na di ko lng maiwasan mag react
8:46 AM 7/4 i read ur blog
8:47 AM 7/4 honestly i enjoy reading all ur blog,not bec i enjoy when i feel ur sad but its bec i see and feel a real preson in it
8:47 AM 7/4 taong tao,not afraid of expressing her feelings..tht is wht i am not
8:48 AM 7/4 go for wht u think is right and will make u happy and at peace
8:48 AM 7/4 hindi lhat ng tao ng kakaroon ng chance gawin ang mga bagay na gusto nila
8:49 AM 7/4 im just happy to know that whtevr things i wasnt able to do,thers still someone who do it my way
8:51 AM 7/4 anyway,goodluck and God bless..i will look forward for more of ur blogs,more positive and optimism