naalala ko lang siya kahapon at kanina kasi nababanggit ni Nimrod 'yung MTV.. bugok!!!
'yung ginawa ko sa CLSU, sa guest house.. nung nag-training kami sa PCOS machine..
umusok ang ilong niya wahaha:)
alam ko na hinding-hindi niya din ako makakalimutan.. ako lang ang bukod tanging nangahas na pasakitin ang ulo niya..out of 40, 2 lang ang tama ko sa written test..
"HINDI 'TO NAGBASA, HINDI 'TO NAGBASA", 'yan 'yung paulit-ulit niyang sinabi after icheck 'yung papel ko at kinakausap na ko nung comelec representative, hindi malaman ang gagawin.. gusto na kong dalin sa ospital kasi sinasabi nila na masama lang ang pakiramdam ko.. pero deep inside, natatawa na ko.. hehe:) nice 'di ba? ganun ako kabait..
FYI, nagbasa ko! may sumpong lang ako.. may sapi.. kaya ako nanadya.. nambwisit..
well, paminsan-minsan hindi naman masamang maiba naman ang takbo ng buhay.. hindi puro kaseryosohan at pagpapanggap.. boring! paminsan-minsan dapat gumawa din tayo ng kababalaghan.. at dapat handa din silang maka-encounter ng mga may konte, gaya ko hehe:)
gusto ko lang pasayahin ang sarili ko.. nakakabugnot na kasing mula kahapon wala akong matinong tulog at naghihintay sa wala.. nag-uutuan na lang kami sa ACA.. naggagaguhan.. nagpipikunan..
'yun na nga lang ang konsolasyon, madami kaming nag-iingay.. hindi na din masyadong nakakainip ang paglipas ng maghapong pagkaasar sa ewan.. hay naku..
No comments:
Post a Comment