Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


December 6, 2008

ALONE

Walang pasok kaya mag-isa ko lang dito sa bahay ngayon.. Nakakatoyo.. hehe: )
Wala kasing makausap.. Naglalaro lang ako sa laptop ko o nanonood ng dvd..
Ayoko naman kasi lumabas.. Ayokong makakita ng ibang tao.. Ng mga magjojowa.. Lalo ko lang nararamdaman ‘yung emptiness sa buhay ko..

Naiisip ko lang si Betty.. Naiinggit ako sa kanya.. Buti pa siya.. In spite of the pambabalahura ng lipunan sa kung ano siya, nagawa pa din siyang mahalin ni Sir Armando..

Naiisip ko tuloy si Chris.. Sabi ko sa sarili ko nung bago ako pumuntang Batangas noon, magiging masaya na ‘ko sa sandaling panahon na makakasama ko siya.. Pero hindi pala.. I want more.. I want him forever.. Dahil iba ‘yung pakiramdam na nandiyan siya.. Iba ‘yung saya.. Masaya..

Kaya lang kahit na sabihin ko na mahal na mahal ko siya, useless na.. Wala na akong space sa buhay niya..

‘Eto ako, nandun siya.. Magkaiba kami ng mundo.. Hindi ako bagay sa mundo niya..

Ano ba ang kailangan kong gawin para hindi ko na siya maisip? Papa-confine na ba ‘ko sa Mandaluyong?

Ganito pala ang buhay kapag tumatanda na.. Mas mahirap.. Mas masakit.. Lalo mong mararamdaman ang mga bagay na wala namang kasiguraduhan at imposibleng mangyari..

Buti pa ang mga estudyante ko.. Kahit umiyak sila kapag nadadapa at nasusugatan, okay lang.. Ako, hindi pwedeng umiyak, hindi naman maiintindihan ng mundo ‘yung sugat, dito, sa puso ko..

Bigyan ko lang sila ng chocolate masayang-masaya na.. Ako, kahit na isang track na chocolate ang ibigay sa ‘kin, hindi ako magiging masaya, dahil walang Chris sa buhay ko..

Iiyak na lang ako ng iiyak.. We’re back to being strangers..

In this world with too many billion people, nag-iisa lang siya dito sa puso ko..

No comments:

Post a Comment