Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


March 13, 2009

MY TURN


Ayoko kasing lalong bumigat ang loob ko kaya I confronted our GL regarding the IPITAN ISSUE… Hindi ako matatahimik if I would just shut my mouth with all the negative things she was saying against me… Medyo na-alarma ang mga kasangga kasi they didn’t expect na gagawin ko ‘yon…

Gusto kong umiyak kanina… Kasi alam niyo nung pasukan, ni hindi marunong humawak ng lapis karamihan sa mga estudyante ko, walang marunong bumasa sa kanila… After ng flag ceremony araw-araw, inuumpisahan ko na silang turuan… Hindi ako umuupo kahit pwede naman akong maupo hanggang uwian… Sa tanghali, kahit na pagod na pagod na ‘ko, sige pa din… Kahit uwian na, nagpapabasa pa din ako ng mga bata… ‘Yung mga librong hindi dapat ipamigay, ipinamigay ko… Nagpi-print pa ‘ko ng mga pwede nilang basahin sa bahay… Hindi ko ni-limit ‘yung pwede kong gawin at ibigay para sa development nila… Wala namang nakakakita ng lahat…

Hindi ko man pinangarap talaga na maging teacher pero hindi ko binabalewala ang pagiging teacher ko... Ginagawa ko lahat para tulungan ‘yung mga bata…

Simple lang ang buhay ko… At umiikot lang sa mga bata araw-araw…

Nagalit ako kanina kasi wala naman akong pwedeng ipagmalaki sa sarili ko at sa lahat ng tao kundi ‘yung mga bagay na ginagawa ko para sa mga bata… At pakiramdam ko nawawalan ng saysay lahat ng ‘yon dahil sa mababaw na pananaw ng ibang tao… ‘Yun na lang kasi ‘yung achievement ko sa buhay na pakiramdam ko kanina inaalis pa nila sa ‘kin… Pero naisip ko din na, sige okay lang, kasi God sees all my efforts and sacrifices for the kids naman… At someday, itong mga bata na ‘to, alam ko na hindi nila makakalimutan kung pa’no ko naging isang teacher at kaibigan sa kanila…

No comments:

Post a Comment