Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


June 26, 2009

DOWN

Ilang araw na nga akong may sariling mundo na naman.. Nag-iisa.. Nagmumukmok.. Ayokong magsalita.. Ayoko ng kausap.. At ayokong magpaliwanag kung bakit o ano bang nangyayaring kababalaghan sa ‘kin.. Basta sa ngayon, gusto ko lang pasalamatan ‘yung mga tao na naiisip akong silipin sa lungga ko at dalhan ng pagkain.. Kahit pa’no hindi naman ako masyadong naghihinanakit sa mundo.. May mga kaibigan pa din akong maituturing na nag-aalala, nagmamalasakit at nagmamahal sa isang katulad ko.. May mga tao pa ding nagbibigay ng tulong at suporta, kahit na hindi ko naman hinihingi sa kanila.. Ma-swerte pa din talaga ‘ko, sa kabila ng pagiging autistic ko, haha: )

June 20, 2009

WEAKEST

Lately kaya ako naging sakitin kasi ‘yun yung gusto kong mangyari.. Kasi ayokong pumasok.. Ayokong lumabas ng bahay.. Ayokong makita ng ibang tao how everything makes me weaker each day.. Pano ko ba kasi ipapaliwanag sa mundo na GALIT AKO.. na NASASAKTAN AKO.. na AYOKO NA..
Sabi ng isang kaibigan hindi ko naman kailangang gawin ‘to.. Hindi, mali siya.. I need to do this para once and for all, matapos na.. Pero ganun nga lang ba ‘yon?
Ang nakakalungkot lang kasi, wala akong kaibigan na mapuntahan.. lahat sila nasa malayo.. Ayoko naman nung mga taong nasa malapit lang kasi pinaplastik lang naman nila ko..
Okay lang naman ako.. Ang gusto ko lang naman sabihin sa kanya na HOY GAGO PA DIN AKO, MAHAL PA DIN KITA.. ‘yun lang naman.. Pero hindi ko kayang sabihin ‘yon.. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko pa din siya at nandito pa din ako..

June 11, 2009

FRIENDSHIP

madali lang namang sabihin sa'yo ng ibang tao na kaibigan ka nila.. pero ang mahirap, sa kabila ng lahat ng ginagawa mo bilang isang kaibigan, hindi ka pala kaibigan para sa kanila..

kapag nadapa sila o nasa ibaba sila, pinipilit mo silang ibangon, tinutulungan mo silang makabawi.. pero pagkatapos ng lahat, at sa kabila ng lahat, sila pa ang maglalaglag sayo.. magdadapa.. magbaba..

nakakalungkot.. pero sadyang may mga "KAIBIGAN" na ganon.. may mga tao na mailigtas lang nila ang sarili nila, wala na silang pakialam kung masagasaan ka nila..

siguro, isipin na lang natin na hindi naman lahat ng tao ay ganon.. may ilan din naman na irerespeto ka at pahahalagahan sa tunay na ibig sabihin ng salitang KAIBIGAN..

tama ba 'ko mga KAIBIGAN???

June 8, 2009

SOMETHING IN THIS FANTASY IS REAL

hindi naman ako nag-ilusiyon lang.. minsan naman sa buhay ko naging matapang naman ako.. nagmahal at minahal naman ako..
hindi lang talaga lahat ng bagay sa mundo ay pangmatagalan.. minsan, kailangan din nating harapin ang mga pagbabago para sa ikauunlad na din ng pamumuhay natin..



salamat sa mga ala-ala.. last na 'to.. GOODBYE:)

June 7, 2009

PEOPLE COME AND GO

Matagal na panahon na din naman ang lumipas.. Pero aaminin kong may mga pagkakataon na nag-iisip pa din ako.. Siguro kasi hindi ko maintindihan o naintindihan ko man, may mga paliwanag pa din na gusto kong marinig..
Bakit kasi kailangang lokohin nila ko ng ganon? Ano bang kasalanan ko para saktan nila ko? Napakawalang-kwentang tao ko ba para tratuhin nila ko ng ganun?

Sa pagkakatanda ko, wala akong ginawang krimen sa buhay ko.. Nakagawa man ako ng mga mali pero hindi pa din ako maituturing na masamang tao..

Ang masakit kasi, minahal ko sila, ipinaglaban ko sila sa madaming pagkakataon, ipinagtanggol sa madaming tao, at inisip ko na mahal din nila ko, or somehow in their hearts, may space ako, pero hindi pala ganon.. Sinira nila yung magagandang paniniwala ko sa buhay.. Ipinakita nila sa kin kung gano kadumi ang totoong mundo.. Na wala palang taong hindi mo kilala ang magmamahal sa’yo ng totoo..

Siguro mas madami pa kong makikita, mas madami pa kong haharapin na makakapagpalungkot sa buhay ko, pero alam ko na ano pa man ang mangyari sa kin, hindi naman ako mawawalan ng pag-asa.. Patuloy pa din akong maniniwala na masarap pa din namang mabuhay..

Nagpapasalamat ako sa kanila na sa kabila ng lahat, maayos ang buhay ko ngayon.. Wala akong mga pinagsisihan.. Walang mga sumbat.. They broke my heart but they made my life better.. Imagine if I am not this tough and strong, saang mental or rehabilitation center kaya ako ngayon?

June 5, 2009

SY 2009-2010

no photos to upload yet.. aside from sira ang cam ko, e asar na asar ako sa kanila.. sobrang iingay.. at ang lagi kong naririnig sa kanila, "MAM HINDI KO KAYA!!!".. tapos nakakainis pa 'yung mga umiiyak.. AHHHH ako na lang ang iiyak huhuhu;(

nabigla lang siguro ko.. as of now, 48 na silang lahat.. at mukang madadagdagan pa sila.. and take note, lahat sila hindi marunong bumasa.. iilan lang ang marunong sumulat ng nakatuntong sa guhit.. nauubos ang oras at energy ko sa pagsusulat ng kopyahan o pagtetrace..

hayyyyy, kaya ko pa.. sila ang susuko sa 'kin.. lagot sila haha:)