Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


June 7, 2009

PEOPLE COME AND GO

Matagal na panahon na din naman ang lumipas.. Pero aaminin kong may mga pagkakataon na nag-iisip pa din ako.. Siguro kasi hindi ko maintindihan o naintindihan ko man, may mga paliwanag pa din na gusto kong marinig..
Bakit kasi kailangang lokohin nila ko ng ganon? Ano bang kasalanan ko para saktan nila ko? Napakawalang-kwentang tao ko ba para tratuhin nila ko ng ganun?

Sa pagkakatanda ko, wala akong ginawang krimen sa buhay ko.. Nakagawa man ako ng mga mali pero hindi pa din ako maituturing na masamang tao..

Ang masakit kasi, minahal ko sila, ipinaglaban ko sila sa madaming pagkakataon, ipinagtanggol sa madaming tao, at inisip ko na mahal din nila ko, or somehow in their hearts, may space ako, pero hindi pala ganon.. Sinira nila yung magagandang paniniwala ko sa buhay.. Ipinakita nila sa kin kung gano kadumi ang totoong mundo.. Na wala palang taong hindi mo kilala ang magmamahal sa’yo ng totoo..

Siguro mas madami pa kong makikita, mas madami pa kong haharapin na makakapagpalungkot sa buhay ko, pero alam ko na ano pa man ang mangyari sa kin, hindi naman ako mawawalan ng pag-asa.. Patuloy pa din akong maniniwala na masarap pa din namang mabuhay..

Nagpapasalamat ako sa kanila na sa kabila ng lahat, maayos ang buhay ko ngayon.. Wala akong mga pinagsisihan.. Walang mga sumbat.. They broke my heart but they made my life better.. Imagine if I am not this tough and strong, saang mental or rehabilitation center kaya ako ngayon?

No comments:

Post a Comment