hindi ko nga alam kung pa'no magrereact sa nabasa ko... magagalit ba 'ko? maaawa? makikisimpatya? aaminin kong gusto ko ng kausap tungkol sa bagay na 'to... gusto ko ng kakampi... pero kanino ako magsusumbong? sa pulis? pulis si erpat! haha:) hindi yata ako naging sumbungera sa buong buhay ko... alin lang naman sa dalawa ang ginagawa ko sa mga ganitong pagkakataon, nag-iingay ako o nananahimik ako... pero kung mag-iingay ako, sa anong dahilan? kung mananahimik ako, ano ang idadahilan ko?
sa totoo lang, isa lang ang ginagawa ko sa ngayon, ang isiping saling-pusa lang naman ako sa buhay nila.. iniisip kong hindi din naman sila magtatagal sa buhay ko.. hindi sila habang buhay na nand'yan... pagod na siguro ako... kaya hindi na ako umaasa... at siguro nga, hindi ko naman sila kailangan talaga, masaya naman ako kahit wala sila...
No comments:
Post a Comment