madami akong bagay na napatunayan from the one stormy week that passed...
nakakadismaya... nakakasuya... nakakagigil... at nakakataba ng puso...
click the link below and see how i shine... hehe=)
i already posted I AM SORRY before this meeting... meaning i am willing to set aside our differences just to save the good bonds that we got... mas masarap pa ding mabuhay ng payapa kaysa nagtatanim ka ng sama ng loob na wala naman ding kapupuntahan...
ang hindi ko lang kasi matanggap sa mga pangyayari, may isang inosenteng tao na nadiin... and i felt responsible for that... kaya kahit alam ko sa sarili kong napakataas ng pride ko, hindi ako nagdalawang-isip na magpakumbaba para akuin ang lahat... everybody was surprised on what i have said especially when i cried... sabi nila, marunong daw pala akong umiyak... yes, of course, tao lang din naman ako... nabigla sila sa pagtutuwid ko ng mga maling paliwanag sa pangyayari... dahil alam kong 'yun ang kailangan para malinis ang pangalan ng isang taong biktima lang ng pagiging makasarili ng iba... ang sakit ng katotohan pero 'yun ang totoo, pagiging makasarili lang naman ang ugat ng gulo... kung natuto lang sana kaming magbigayan at mag-unawaan, hindi hahantong sa pagkakaroon ng lamat ang isang magandang samahan...
wheow! gano'n nga siguro talaga, hindi lahat kagaya ko, ni jen.. ni philip... na kayang kumibo at lumaban... siguro kasama na din sa pangyayari 'yon 'yung nalaman kong hindi lahat ay kayang tumayo sa katotohanan... i'm really disappointed.. or maybe i was wrong to expect he would stand up for us... sorry to say this, may mga tao talagang playing safe... mailigtas lang ang sarili, they can afford to leave you on the down side... hindi kayang manindigan sa mga kagagawan din niya... kaya nung umiinom kami, para na din siyang sinampal sa mga pinagsasabi ko sa kanya... at siguro nga 'yun na 'yung huling pagkakataon na aasa akong kaibigan kami para sa kanya...
for that grupo-grupo, fraction-fraction issue... i realized she's bitter... umeeksena lang 'cause she doesn't have what we got--FRIENDS... naaawa na lang ako sa kanya for everything she fabricated... well, even if she succeeded to put us down, at least i know, we'll never leave each other... down kung down, magkakasama naman kami... i pray she'll find the belongingness that she needs to be at peace in her life...
the damage has been done sabi nga... ang mahalaga tapos na... lastly, i didn't expect na kahit pa'no through the years, may mga taong naniniwala at nagmamahal sa 'kin... for that, gusto ko silang pasalamatan... sobrang sarap ng pakiramdam na kinoconsider ka ng mga tao sa paligid mo... na alam kong hindi ako pababayaan at kasama kong makikipaglaban para sa tama...
No comments:
Post a Comment