aliw na aliw talaga ako kanina kasi 'yung narrative para bukas na kasamang isasubmit sa ETRE ng NAT hindi daw kailangan ng sentences... WEHHH! di nga? bwahahaha! hindi ako mapang-okray na tao dahil alam ko naman na hindi ako matalino... pero naman, kahit na belong ako sa mga moron, kahit pa'no hindi naman ako empty... peace! kanina napilitan akong maglabas ng powers para may maitype si charot na report na eenteran na lang namin ng data bukas... hayyyssss!!! pati narrative ng accomplishment namin, sabi niya igawa ko daw siya, sabi ko ako nga 'di ko pa magawan ang sarili ko, ayun nabadtrip yata kaya sinimangutan ako... hmppp... para naman kasing wala akong ginagawa... actually, masakit na ang ulo ko sa dami ng kailangang tapusin sa BLT... bukod sa mga narrative report, may mga forms pa na kailangang iaccomplish at 'yung attendance pa ng mga bata at parents at liquidation everyday.... superpowers talaga ang kailangan ko, dahil bukod sa mga 'yon, nag-iinday pa 'ko 'pag tanghali.. no choice.. wala naman kasing nagmamagandang loob na kahit pa'no tumulong... nakakapagod... lalo na ngayong mag-end na 'yung program at malapit na din ang checking ng mga forms sa district.... [sigh]
No comments:
Post a Comment