
Gumuho naman talaga ‘yung mundo ko… Dahil hinayaan ko… Pinanghinaan ako ng loob… Nawalan ako ng mga kakampi… Ako mismo ang naglayo sa sarili ko sa mundo…
--Nagkagalit-galit kami ng mga tropa ko sa Park… nung una bihira na lang akong pumupunta hanggang sa isang umaga hindi na talaga ako gumising ng maaga para pumunta don… Kasi may mga mali akong nagawa na nakasakit sa damdamin nila… Kasi may mga tama akong ginawa na hindi naman nila matanggap na mas makakabuti sa kanila… Hindi ko na idedetalye basta alam na ni lord lahat… Napaka-komplikado kasi ng mundo madalas… Mula non, bahay-eskwelahan na lang ang naging mundo ko… Isinubsob ko ‘yung sarili ko sa trabaho… Pero alam niyo ba namimiss ko na ‘yung mga umaga na nakaupo kami sa gilid ng kalye, kumakain ng pandesal at umiinom ng softdrinks… nagtatawanan… masayang-masaya… ‘yung mga lugar na pinupuntahan namin para mag-jogging o long-run… ‘yung aerodancing… ‘yung mga gabi na umiinom kami… ‘yung mga joyride… mga adventures… ‘yung mga pagkakataon na nandiyan sila… na alam ko na may mga kasangga ko sa bawat paglaban ko sa pag-abot ng mga pangarap ko… Namimiss ko na ‘yung mga kaibigan ko…
--nung hindi ko na nakita si Regie sa ACA… unti-unting naubos ‘yung pag-asa ko, ‘yung buhay ko, ‘yung mga pangarap ko… wala naman akong magawa para mahanap siya… naawa na lang ako sa sarili ko kasi paubos na ng paubos ‘yung mga kaibigan ko… unti-unti akong nawawalan ng lakas para lumaban at maging masaya…
--nagalit sa ‘kin si Sir Archie kasi ako ‘yung dahilan kung bakit nalaman ni Ate Febean na may babae siya sa Zamboanga… Nalaman ng asawa niya ‘yung mga kalokohan na pinaggagawa niya… Mali ba? Bestfriend niya ko… Dapat ba hinayaan ko na lang siya? Pero ginawa ko lang naman ang alam kong tama para maitama ang mga maling ginagawa niya sa pamilya niya, sa ibang tao at sa sarili niya…
Mula non, hindi na kami nag-usap… Miss na miss ko na nga siya… namimiss ko na ‘yung bestfriend ko…
--nung umalis si Mam Lisa sa ACA… nilipat ng ibang school… alam niyo ba feeling ko non nawalan ako ng kakampi… nagpagupit nga ako ng buhok non… kasi hindi ko maiexpress kung gano kabigat yung nararamdaman ko… hindi ako makaiyak non… dahil kasabay non yung pagkakalabuan namin ni Chris…
--na-iinsecure naman talaga ko… hindi ako confident sa pagmamahal niya sa kin… kaya mas pinili ko na lang na hayaan na lang siya kahit na mahal na mahal ko siya… Sabi ko sa kanya, kung kami talaga kami talaga… Akala ko kaya ko pero hindi ko pala kaya… Tama naman siya… Hindi ako naniwala na may kapupuntahan kaming dalawa… Kasalanan ko kung bakit nawala siya sa kin… Choice ko yun… Nung huli kaming mag-usap, tinanong ko siya kung mahal niya pa din ako, sabi niya kahit sabihin niya na oo, wala ng magbabago… Mula non, araw-araw ko na lang iniiyakan lahat… Ayoko na ngang lumabas ng bahay pero kailangan ko pa din namang mabuhay di ba? Hanggang sa mapagod na din ako sa kakaiyak at kahihintay sa wala… Hindi ko na inisip na babalik pa siya… Dahil alam kong hindi na siya babalik talaga…
--nung sinoli ni PO1 Aguilar ‘yung papers ko… kasi walang quota ang Cabanatuan… pakiramdam ko non wala ng direksiyon ang buhay ko… wala na lahat… wala na talaga kong pag-asa… umiyak na lang ako ng umiyak… ang hirap-hirap kasing patuloy na maniwalang kaya ko pa… hindi ko na kaya… na-blangko na yung isip ko sa mga bagay na pwede ko pang gawin…
Akala ko talaga kahapon mamamatay na ko… Naisip ko kung may malulungkot kaya kapag wala na ‘ko? Maiisip pa kaya nila ko? May iiyak kaya? Si Ivy kaya iiyak? Si Sir Soro? Si Mama? Si Papa? Nakakaiyak ngang isipin na hindi… na okay lang… hindi naman ako kawalan sa mundo… isa nga lang ako sa mga nagpapabigat sa mundo… kaya dapat lang akong ibawas…
*Kailangan ko pa palang ma-ospital para maisip ko na buhay pa pala ko…
BUHAY PA AKO: )
BUHAY BUHAY BUHAY BUHAY
PA PA PA PA
AKO AKO AKO AKO
…………………………………………………………
At hindi naman ako ganon kabigat talaga at mas mabigat pa din ang mundo sa kin… hahaha… kapag naka-recover na ko… babalik na ‘kong park… nandun pa din naman ang mga kaibigan ko… at hinihintay lang nila ko na magbalik…
Para sa mga taong hindi ko na maibabalik, salamat… SALAMAT NG MARAMI… Sa lahat-lahat…
Hindi man ako kasing-lakas ng dapat sa ngayon, pero pipilitin kong harapin ‘yung buhay ko, saan man ako patungo… Hindi ko man masasabi na masayang-masaya ‘ko pero ano man ang nandiyan, makukontento na muna ko… Kailangan ko pa din namang magpagaling physically and emotionally…
No comments:
Post a Comment