For three years na pabalik-balik ako ng PPSC, ni minsan hindi ko inisip na sumuko kahit na alam ko na wala na kong laban… Palagi akong umuuwing bigo.. Pero patuloy pa din akong naniniwala na may pag-asa pa ko… Dahil yung mga pagkakataon na nandun ako, yun yung mga sandaling may kabuluhan yung mga pagsisikap ko… Don ko nararamdaman yung sarili ko… Nasasabi ko sa sarili kong ITO AKO…
OO, siyempre, kasama na dun yung gusto kong maging masaya si papa… Gusto kong maging top honor din… Gusto ko sa speech ko I will make them the proudest parents in the world… Wala namang masamang mangarap… ‘Yun na nga lang ang libre sa mundo sa ngayon… Kaya kahit alam ko na hindi madali, gumagawa pa din ako ng paraan…
Hanggang sa nitong huli nga… Pakiramdam ko gumuho yung mundo ko… Umiyak na lang ako ng umiyak… Kahit paulit-ulit na ganun yung nangyayari, ganun pa din yung pakiramdam… Ganun pa din kasakit…
Salamat sa mga taong naaabot ng pang-unawa nila kung ano man yung gusto ko at kaya kong gawin… Salamat sa paniniwala niyo na magagawa ko ding magtagumpay sa kung ano ba talaga ang gusto ko para sa sarili ko… Hindi pa din ako susuko… Bata pa ko… Madami pang pagkakataon… Mahaba pa ang panahon…
No comments:
Post a Comment