Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


April 15, 2009

FAVORITISM?

Nung nag-aaral ako, alam ko na madaming estudyante at may ilang teachers din na ayaw sa kin o galit sa kin lalo na nung third year high school ako.. No doubt—Joven’s apple of the eye lang naman ako.. Pagagalitan niya lahat ng mga kaklase ko, pero ako, kahit na may mga kalokohan akong pinaggagagawa, uutuin niya pa ko.. Ipinagtatanggol niya ko sa pananakit ng ibang tao.. Pinoprotektahan sa mga pangit na katotohanan ng mundo..
Lumaki ako na nag-iisa.. Ang paniniwala ko, ako lang ang nasa mundo ko, wala akong kakampi.. Pero ipinaramdam niya sa kin non na hindi naman talaga ganon..
Isinasali niya nga ako sa mga contests noon.. Kahit nagpoprotesta yung mga kaklase ko na wag ako.. Naniwala siya sa kin.. Siya nga yung unang taong naging proud sa kin kahit na sabit lang ako sa mga nanalo.. Madami din akong contests na tinakasan non, pero kahit hindi ako nakasali, ako pa din ang panalo para sa kanya, ako pa din ang pinakamaganda sa paniniwala niya..
Ang sarap ng feeling na alam mo na may isang tao na kahit ano ka pa, tanggap ka.. Kahit anong mali mo, mahal ka.. Kahit ireject ka ng buong mundo, nandiyan pa din siya.. At kahit nagbago na ko ngayon sa lahat ng aspeto, hindi pa din nagbabago na ako pa din ang pinakaespesyal sa kanya sa lahat..
Alam niyo masaya na ko sa konting pagmamahal na ibinibigay sa kin ng ibang tao.. Nararamdaman ko na importante din naman ako.. Yun lang..

No comments:

Post a Comment