Kanina ko lang mas nakita kung ga’no kalaki ang mundo, kung ga’no kadaming klase ng tao ang meron dito.. At ako, isa lang ako dun sa mga simple, ordinaryo at may napakamaliit na puwang..
Naisip ko din ang mga salitang PAANO, HINDI KO ALAM at HINDI KO NA ALAM..
Paano nga ba luluwang ang puwang ko dito sa mundo kung lagi na lang akong bigo? Hindi ko alam kung may pag-asa pa kong makaahon.. Hindi ko na alam kung paano pa ako lalaban..
Pero kahit naman ganito lang ako, nagawa ko namang maging makabuluhan ‘yung buhay ko.. Hindi man sapat ‘yung mga ala-ala at markang iiwan ko pero tama na sigurong pinilit kong gawin ang makakaya ko sa mga paraan na alam ko.. Hindi naman kasi madaling maglayag ng walang pupuntahan.. Hindi masarap tumakbo ng walang patutunguhan..
No comments:
Post a Comment