May utang ka sa ‘kin na isang araw.. Kung sakaling masisingil pa kita, punta tayong Bacao, punta tayong Sports Complex sa Palayan, ikot tayo sa Oval ng Nehs, upo tayo sa Park, laro tayo ng badminton, magpahabol tayo sa aso, inom tayo... Na-mimiss ko ‘yung mga lakad natin.. ‘yung nawala tayo sa madilim na daan sa Victoria Mansion papunta kila Tatay.. ‘yung naligaw tayo sa pagpunta kila Shiela sa San Carlos.. ‘yung mga gabing kung san-san tayo umiikot.. Na-mimiss ko ‘yung may sumusundo sa ‘kin.. ‘yung may naghahatid.. ‘yung may nag-aalala.. Na-miss kita.. Na-miss kitang kasama.. Na-mimiss ko ang tropa..
Kung pwede nga lang kasing habang buhay na lang tayong walang pakialam sa mundo.. Single ka, single ako.. Pero hindi na nga kasi gano'n ngayon, hindi ka na single..
Masaya ako na naabot niyo na ang mga pangarap natin, kahit naiwan ako.. Hahabol na lang ako pagdating ng araw.. Sorry.. Alam kong madami akong maling nagawa sa’yo, sa inyo, noon.. Pero isa ka, kayo, sa mga taong nagbibigay ng direksiyon sa ‘kin kapag lumilingon ako sa nakaraan.. Salamat sa mga ala-alang meron ako ngayon.. sa mga aral na gumagabay sa ‘kin sa paglipas ng panahon..Hinding-hindi ko kayo makakalimutan, mga pare ko sa Park.. -Jopay
I remember when nobody cared, but YOU..
No comments:
Post a Comment