Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


March 12, 2010

WIN by Brian McKnight

Ito daw ang official class song ng MABIKAS CLASS 2010 ng PNPA.. huhu, nakakaiyak.. parang kailan lang na nasa PPSC ako at gumuho ang lahat..
Pangarap na pangarap kong makapasok sa academy pero hanggang escarcha hall lang ako lagi..laging disqualified.. underheight.. hehe:) Kaya tinanggap ko na lang na siguro I am not meant to hold guns.. I am meant for the kids.. kagaya ng lagi kong sinasabi.. pampalubag loob..

Natutuwa na din ako at nakahanap ako ng taong makakasalat sa nararamdaman ko.. Pareho lang kasi kami na mas gustong magpakasal sa PNPA kaysa mag-asawa talaga, 'yung literal.. Sabi ko nga sa kanya, mas nginawaan ko pa yan kaysa sa mga naging boyfriend ko.. hehe.. Iba kasi ang pakiramdam na nakikita mo 'yung sarili mo, i mean 'yung alam mong ikaw 'yung GINAGAWA MO SA BUHAY MO.. gets niyo ba?

Para sa lahat, ito lang din ang sinabi ko pa sa kanya.. 'wag kang susuko.. ilaban mo ang pangarap mo hanggang may pagkakataon.. kahit na mabigo ka ng paulit-ulit.. ang mahalaga, ginawa mo ang lahat..

Sa totoo lang, ito talaga ang kanta ko para sa sarili ko sa lahat ng nangyari.. SUPERMAN by Five for Fighting..
I am only a man looking for her dream..


No comments:

Post a Comment