Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


February 17, 2011

UNLOADING

kami ang magpafacilitate ng SLAC bukas pero 'eto ko cityville ang inaatupag... malfunction! kahit na-i-draft ko na ang gagawin namin bukas, not enough, kailangan pa ding makapagbuo ng presentation na hindi kami sasablay o ma-o-okray ng bongang-bongga...

alam kong pressured si mam irene dahil siya ang grade leader namin at si tita josie kasi this will be her first time, at ako, wala lang... walang pakialam... but not at all, nagko-contri naman ako ng mga ideas...nagbibigay ng moral support hehehe:)

loaded lang siguro ang isip ko... i want a break... vacation! i want to rest... ilusyon! napakadaming trabaho sa mga panahon na 'to... at wala akong matapos-tapos...

gusto ko lang sigurong tapusin ang kahibangan ko...tama si boy, puro na lang kwento ang pangarap kong maging pulis... matagal ko ng alam 'yon... ayoko lang bumitaw... ayoko lang harapin 'yung katotohanan na hindi ako talaga para do'n... pinanghihinaan lang ako ng loob kasi madaming bagay ang hindi ko kayang gawin... ayaw gawin... at siguro, kailangan ko pa talagang magmature pa at maging mas responsible pa... kahit pa'no naman malaki na ang ipinagbago ko hehe... kahit pa'no natuto na 'kong magmalasakit... siguro dadating din ang panahon na magiging buo na ang pagtanggap ko na dito talaga nababagay at nakalaan...

besides, nagbago na din naman ang takbo ng isip ko...  ayoko ng sundan ang yapak ni mam judy... gusto kong magkaroon ng direksyon, gusto kong magkaroon ng sarili kong pamilya, magkaroon ng babies, maging mommy, tawaging mommy... at para mangyari 'yon, tama si dhon, KAILANGAN MO NG MAINLOVE MARE!

kaso nga lang, hindi na yata ako tinatablan ng LOVE... batong-bato na ba talaga ang puso ko? nalocked ng todo? hindi naman... hindi pa lang talaga dumadating ang lalaking karapat-dapat para sa 'kin... wala naman akong hinahanap... siguro, gusto ko lang maramdaman na mahal ako talaga... at gagawin ang lahat 'wag lang akong mawala sa kanya... ayoko ng para lang akong sinusubukan kung bibigay... panakip butas! rebound girl... hmppp...

tsaka dalawa na lang naman ang gusto kong mangyari, magchampion sa executive run at makapagpublish ng kahit isang piece... haha.. wala namang masamang mangarap... 'yun na lang naman ang libre sa panahon ngayon... hayyyy!


time to sleep... 1:31 am na... maaga pa 'ko bukas... GOOD MORNING!

No comments:

Post a Comment