Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


January 30, 2010

NEW "BFF"

Hindi na si Shiella ang enemy number one ko hehe: ) No other than, dandananannnn.. “JENNILOU!”.. ‘yung pumalit kay miss magna cum laude.. Wala akong balak talagang sumama sa seminar sa Baguio, pero dahil kasama ang lola mo, sasama na din ako.. GOAL FOR THE MONTH: ruin her life.. hehe: ) joke lang.. siyempre, maging close siya sa ‘kin tulad nila Mam Lisa, Lourdes and the other faces that come and go..

Natulala lang naman kasi kami ni Louraine sa ginawa niya kay Ate Zenny habang nasa Science Garden kami.. “BAGO MO UNAHIN ‘YAN, AYUSIN MO MUNA ‘YUNG MGA FORMS MO”.. Kahit may pagkukulang ‘yung tao, hindi naman natin dapat kalimutan ang COURTESY sa mga nakakatanda sa ‘tin.. Umiral ang pagkamaawain ko kaya ipinakuha ko sa kanya ‘yung pinang-gagalaiti ni Jennilou.. Nakita tuloy namin na sablay na sablay ang mga trabaho nila pareho.. Hehe: )

Tinuldok ko ang total score ng mga bata nila, ipinaliwanag ko na ‘yung result nung MPS nila, ang ibig sabihin non hindi sila nagtuturong mga teachers ng Grade 4.. Magrereflect ‘yon sa buong school.. School ang ipapahiya nila..

Nakaresbak ba? Hehe: ) Tinawag ko pa si Mam Neri para maipaliwanag din sa kanya ang mga dapat niyang gawin.. Dapat niyang matutunan kung paano ilulugar ‘yung sarili niya sa lahat ng pagkakataon.. Kung hindi siya marunong makisama, I am more than willing to teach her.. Kaya next school year kapag ibinaba na ang election ban, ‘pag na-transfer na si Ate Zenny, goodbye Grade 1, hello Grade 4 ako.. Kaming dalawa ang magsasama sa isang classroom.. I will force her to love me hehe: ) or else, tumatag siya.. Match na match kaming dalawa.. parehong walang pakialam sa mundo..

Nabagbag din ang damdamin nila sa re-enacment ko sa crime scene.. Tawa sila ng tawa.. Gusto man akong bawalin ni Sir Nimrod pinabayaan na lang din ako at isa siya sa mga sinisibangutan ni Jennilou dahil magkasama sila sa Hekasi Garden, Oplan Farmville.. Isa lang naman din ang pumasok sa isip nila, nakahanap ng katapat sa ‘kin..
Dahil sa pangyayaring ‘yon kaya ko lang inentertain sa isip ko ‘yung pag-akyat ng level.. Na-challenge ako.. And it’s good naman ‘di ba? I am giving myself a chance to grow..

Ako ang hahawak ng English at Hekasi kung sakaling ma-approve ni Mam Madelon.. Tinext ko si V na itutor ako.. O kahit mag-enroll ako ng English Proficiency gagawin ko.. By next week, hihiram ako ng PELC para makita ko na ang mga kailangan kong gawan ng plan.. Madami naman na ‘kong napatunayan sa sarili ko for 3 years na nasa Grade 1 ako, kailangan kong iexplore ang ibang posibilidad para sa sarili ko.. I think this is the best time.. the best chance..

I don’t hate Jennilou like I did to Shiella.. hehe: ) Gusto ko lang ipakita sa kanya na THERE’S A GREATER WORLD OUT THERE.. out with the people she sees all the time.. She needs to consider a lot and change a lot para hindi siya mangarag.. I am really planning to make her my kasangga in the near future..

Gano’n din naman ako sa kanya nung bago pa ‘ko, detached.. reserved.. Kaya naiintindihan ko siya.. Ang hindi ko lang matanggap ‘yung kawalan niya ng respeto sa mga taong may edad na.. Mahadera man ako madalas pero alam ko kung hanggang saan lang ako babato.. Hindi ako nambastos kahit kilan, kahit na masakit na masakit at masamang –masama na ang loob ko..

Bilang bahagi ng pwersa ng ACA, dapat matutunan mong mahalin at irespeto ang mga kasama mo.. Kahit hindi mo sila feel.. Dahil kayo-kayo ang magkakasama sa lahat ng pagkakataon.. Magkakaiba man ang personalidad ng bawat isa.. Hindi dapat maging big deal ang pagkakaiba-iba sa iisang hangarin.. At hindi magandang down na nga ang isang tao, idadown mo pa lalo..

Ang mga teachers tao lang naman din.. May kanya-kanyang topak.. May kanya-kanyang kulo.. Nagkakaasaran.. Nagbabangayan.. Pero ‘pag kapakanan na ng school ang pinag-uusapin, walang dapat kumawala.. Dahil pare-pareho tayong babagsak..

ACA is one of the best public schools in Cabanatuan City.. Dahil sa disiplinang nabubuo sa mga teachers.. Dahil sa dedikasyon sa trabaho.. Kahit hindi na kaya, kaya pa din.. Kahit low performing sa NAT at RAT, humahataw sa lahat ng competition hanggang region.. No wonder, it is considered as the training ground of District 1. ‘Pag bago ka sa karera, do’n ka itatapon para matuto ka.. And yours truly is the big big proof..

Kaya nga ayoko ding umalis do’n, dahil alam kong malayo ang mararating ko habang nasa ACA ako..

Kailangan kong gawan ng himala si Jennilou para matuto siya.. Para hindi na din siya nahuhuli ni Mam na walang lesson plan.. Para na din sa ikabubuti niya.. Kawawa naman din siya kung lagi na lang siyang talk of the town.. Siya na nga ang leading star sa mga kathang isip ng mga talentadong guro.. Ay ‘pag nabasa niya ‘yon, sigurado kong sabog kaming lahat.. Lagot kami nila Mam Irene, Mam Judy, Mam Louraine, Mam Charlote, pati na ang principal.. Siya ang nagbigay ng idea sa masining na pang-ookray na nagaganap sa mga pictures sa facebook ko..

Mabuhay kaming lahat.. It’s a great feeling to be here.. LOG-OUT mode.. mwahahaha: )

January 28, 2010

WALANG KABAGAY-BAGAY:)


level three na kami, haha:)

the secret, TEAMWORK..

inggit silang lahat.. wahaha:)

January 26, 2010

I'm SICK.. wahaha:) parang hindi na ba talaga ako?


Todo effort.. pati pagsesemento trinabaho.. adik!!!

hindi pa tapos 'yan.. level one pa lang naglalaway na sila.. wahaha:)
minsan, masarap din palang ibang level ka..


‘Pag nakikita ako ng ibang mga kaibigan ko, binibiro ako na, BUHAY KA PA PALA.. Sabi nga nila, nakalimutan ko na daw ‘yung sarili ko.. Siguro nga.. Kaya nga sumama ‘yung loob ko last time.. Kumanta na lang ako, I DID MY BEST BUT I GUESS MY BEST WASN’T GOOD ENOUGH.. Naiiyak ako no’n kasi hindi ko alam kung ano ‘yung kailangan ko pang gawin.. Pero sabi nga, teacher’s output in their hard work is intangible..

Marami akong crisis na pinagdadaanan emotionally, but because of my desire to uplift the quality of the kids when they step out of my touch, napapalungkot man ako ng mga taong dahilan, pero hindi na ‘ko tumitigil o tumatanga na lang.. I am learning to just sigh when I think of them and I will go back on doing my calling more than what I am required to accomplish.. Araw-araw mang gumuguho ang mundo ko, each day is a shining moment for me.. I love and hate the kids.. and more than anything, I thank them for the life I have to continue to flourish.. Puso lang ang disabled sa ‘kin, but the other parts can still perform.. I can still plow and plant their lives.. farmville ‘di ba? Kaya may mahaharvest sila at the right time.. Ayokong maging walang kwentang teacher.. Kung ‘yung buhay ko, hindi ko magawang ma-renovate, hindi na big deal sa ‘kin ‘yon.. Ayokong maapektuhan sila sa pagiging tanga ko.. Kaya kong i-set aside ang damdamin ko para sa kapakanan nila.. Loser na kung loser pero alam kong pwede pa din naman akong gumawa ng mabuti para sa ibang tao..

Kailangan ko na bang magpaconfine sa Mandaluyong? Hehe: ) para bang hindi ako? Seriously, alam ko naman na if ‘best’ is still here, ‘eto din ‘yung gusto niyang mangyari sa ‘kin.. Nakakalungkot kasi he is the first person I want to share the goodness of being a teacher.. Alam ko na magiging proud siya sa ‘kin.. Pero alam ko ding imposible ng mangyari ‘yon dahil wala ng chance o dahilan para makita ko pa ‘yon sa kanya.. Umaasa na lang ako na dadating ‘yung araw na maisipan niya pa ding lingunin ‘yung mundong nando’n ako.. kahit na hindi niya na gustong bumalik, okay na sa ‘kin ‘yung tignan niya pa din ako kahit pa’no..

Siguro ngayon, may mas matino akong pananaw sa mga bagay-bagay kahit na masakit na masakit ‘yung puso ko..hehe: ) Nandun pa din ‘yung pakiramdam na gusto kong umalis, pero mas nangingibabaw ‘yung pakiramdam na gusto ko ng mag-stay na lang dito.. I don’t need to go anywhere to have a heart transplant.. para full force na ‘ko sa mga ginagawa ‘ko gano’n hehe: ) God put me on this weakening situation to teach me to maximize the small amount of strength left to me..

January 24, 2010

SEE HOW I SHINE: )

gagraduate na sana 'ko ngayon.. INSPECTOR JONARIZZA GEDO CRUZ AGULAN..
sumasaludo na sa 'kin si papa siguro at lahat ng mga ka-tropa sa fp.. hehe:)

naalala ko lang 'yung nangyari.. and its harder this time kasi walang sir archie na nandiyan.. walang christian na nandiyan.. pero ang nandiyan pa din siyempre si beeone.. si IVY GRACE JUAN-CAUZON.. (ayan, buong-buo)

unang beses ko pa lang tumuntong sa ppsc year 2006 iba na talaga ang pakiramdam ko.. Ang sarap ng pakiramdam na nakikita mo 'yung sarili mo sa lahat ng taong kasama mo sa escarcha hall.. Kaya nung ipinakita sa 'kin ni sir banta 'yung result na hawak niya, parang tumigil ang mundo ko..

Pinilit naming hinabol ni mama 'yung pagkakataon, pero lalo lang bumigat 'yung naging bagahe ko pag-uwi ko sa nueva ecija..

Walang umagang hindi mo ko makikita sa park no'n.. 4am pa lang nasa old cap na ko, sa oval o sa glorietta ni tatang.. pilit pinanghahawakan 'yung pag-asa na pwede pa..

sobrang excitement nga ni papa sa pagpasok ko sa academy.. pinaghandaan niya 'yung oath taking ko, sana..

Habang palapit ng palapit 'yung araw ng graduation ko sa college nung taon din na 'yon, pabigat din ng pabigat ang katotohanan na itinago ko sa kanila.. Ayoko kasing biguin si papa.. At siguro, hindi ko din naman matanggap na sa isang araw lang, nawalan ng saysay ang lahat..

Hindi pa din ako tumigil.. Kahit nagtuturo na 'ko sa private, nagtake ulit ako ng exam.. bumalik ulit ako sa taguig.. at pagkalipas ng ilang araw, umiiyak na lang ako sa florida bus pauwi..

Hindi pa din naman ako sumuko.. sa huling pagkakataon,nakita ko na lang 'yung sarili ko na parang nawawala sa underpass sa quiapo.. parang nawala ako sa sarili ko sa kaba at takot na sa kahuli-hulihang pagkakataon, mabibigo na naman yata ako..

Umuwi akong umaasa na sa huling pagkakataon pagbibigyan na 'ko ni Lord sa pangarap ko.. hanggang sa tuluyan na talaga kong nawalan ng pag-asa..

Naisip kong magbakasakali sa olivas.. Pinilit kong buhayin ulit 'yung loob ko..Inisip kong pwedeng-pwede kong ituloy 'yung pangarap ko do'n.. Sabi ng ibang naging tropa ko sa pnpa, ako man lang makatupad sa pangarap namin..

Kaya nung isinoli ni PO1 Aguilar 'yung folder ko a year ago, hindi ko akalain na magiging gano'n pa din kahirap at kasakit..lahat ng luhang hindi ko iniyak for so many years, naiiyak ko nung araw na 'yon..

Sabi ni V kasi the one you love the most is the only thing that can hurt you the most.. kahit magpaulit-ulit pa, it will be the same..

Gusto ko pa din namang ituloy 'yung pangarap ko, pero sa ngayon, kailangan ko muna kasing itabi muna..
Sa loob ng isang taon that i've been trying to live my life where i never wanted to see myself, do'n ako napunta, do'n ako nagtagal..
Siguro tama si sir banta, god has perfect plans to us.. Kaya kung ano man ang plan ni lord, tatanggapin ko na lang.. kung hindi ako talaga para do'n, at dito ko talaga.. magiging masaya na lang ako..

January 23, 2010

GORI and FRIENDS

Salamat sa pag-iinarte mo.. I was enlightened..Dinaig mo pa kami sa kadramahan mo.. Praning lang ako minsan pero hindi ko naman naisip na talikuran ang pagkakaibigan natin..

Grumaduate lang tayo ng college.. Nagkatrabaho.. Nagkalayo-layo man ng konti.. Patanda man tayo ng patanda.. Pataba man kami ng pataba.. Pero kahit ano pa man ang mangyari kaibigan, magkakaibigan pa din tayong lahat habang buhay..

Kung nalulungkot ka at pakiramdam mo napakaworthless ng buhay mo dito sa mundo, nagkakamali ka ng inaakala mo.. You can always think of us, turn to us and we will make you feel alright..

May pagkaterorista ka man pero para sa ‘kin, sa amin na mga kaibigan mo, alam namin, ramdam namin ang pagmamalasakit mo.. Masungit ka lang sa ibang tao, at kahit sa amin, pero dumadamay ka sa lahat ng pagkakataon.. Kusa kang tumutulong kahit hindi sinasabi sa’yo o walang nagiging kapalit ang mga ginagawa mo..

Ang hinding-hindi ko makakalimutan sa’yo, ‘yung galit na galit ka sa ‘kin kasi hindi ako nangopya sa’yo nung pinapakopya mo ko sa exam kay mam lucena dahil alam mong hindi ako nakakapagreview dahil nagtatrabaho ‘ko no’n.. Alam kong ayaw mo lang na bumagsak ako dahil ilang quizzes na ang wala akong naisasagot.. There was an instance na na-zero pa yata ako.. Alam ko ding ayaw mo lang na hindi ako makagraduate agad kung babagsak ako at magkaproblema sa scholarship.. Maraming salamat..

Naalala mo din ba na kapag may mga assignments tayo, ilan kaming mga tamad ang ginagawan mo para lang hindi kami ma-incomplete.. Iniiba mo lang ‘yung sulat mo kahit panget pa din hehe: ) ang point ko dito, isa kang tunay na kaibigan.. Pilit mo kaming hinahatak at ibinabangon para walang maiwanan.. para lahat tayo sabay-sabay.. Hindi lahat ng tao ay kayang gawin ‘yung gano’ng klase ng pagmamalasakit kahit na sabihin mong kaibigan pang tinatawag.. Hindi lahat ng tao ay handang magsakripisyo ng oras, utak, papel at tinta ng ballpen para sa kapakanan ng iba.. Iba ka kaibigan..

Hindi makukompleto ang saya ng barkada kung wala ang pagsusuplado mo sa ‘ming lahat..Kahit sa iba’t ibang klase ng palabas, hindi masaya kung walang kontrabida.. Bahagi ng tropa ang mga pang-ookray mo.. May ambag kang saya at pagmamahal sa samahan.. Kaya kahit man lang sa ‘min, ‘pag nilingon mo kami, maramdaman mong may halaga ka sa mundo, dahil sa ‘ming mga kaibigan mo..

Magkakadugtong na ang mga buhay natin kahit na magkakaiba tayo.. Kung hindi ka importante sa ‘min, hindi ka namin isasama sa mga plano..

Alam mo isang bote lang ‘yan.. Tigi-tigisang bote lang kami.. Ihahampas naming lahat sa ulo mo para magising ka sa kabaliwan mo.. Alam kong namimiss mo din ang ingay ni jeraldine.. ang kakulitan ni shiela.. ang tawa ni floramyr.. ang pang-aasar ni jade.. ang pambibwisit kay hilbert.. ang pang-e-H nating lahat..

Kung binabalak mo talagang itapon na lang kami, hindi ka magtatagumpay! Sa amin pa lang ni ivy mahihirapan ka na.. We are twice of your weight.. ‘di mo kami mabubuhat.. wahaha: ) Smile kaibigan.. You need us to stretch your wrinkled face.. Laughter is still the best alternative to Belo for you to stay looking young and looking greater than a real gorilla.. PEACE!

I know masyadong korni pero to make you realize your worth to us, mahal ka naming lahat, kaibigan.. Alam ko naman na kung may isang bagay na nagpapalungkot sa’yo ay ‘yung pagtandang binata.. Hindi ka naman nag-iisa kung sakali, si baki sa tingin mo may planong magpasakal ‘yung mokong na ‘yon? Si dugong, sa tingin mo may magkakamali? (love you Hilbert, joke lang).. Tapos kaming mga candidate na maging old maid.. ako, si batotina, si rizalina.. At kahit ‘yung ibang may mga pamilya na, nandiyan pa din naman sila.. HINDI KA NAG-IISA, kaibigan..

Sige, don’t worry,we’ll do our best to market you.. Don’t feel too bad.. just bad is enough.. hehe: ) We’ll think of the best strat to convince the girls out there that you’re a lot better than any other guys up there.. You are a professional.. responsible man.. faithful.. negotiable, (‘wag ng pa-hard to get..) and most of all, innocent.. (any objection? Violent reaction?)

I love you, kaibigan.. Magalit ka na kung magagalit ka.. Kahit nasa inuman ako nung new year nireplayan kita kasi alam kong kailangan mo din ng rescue kagaya ko minsan.. I just want to make you happy so I made this one.. Sana, kahit pa’no ma-appreciate mo, and the other hehboons ang effort ko.. kahit madami akong trabaho, inuna ko pa talaga ‘to para hindi ka na masyadong malungkot at masiraan ng ulo..

See you on dhine’s wed.. best man ka daw uyyyyyyy!!! Sa’yo na ang bouquet para ikaw na ang next in line ngehehe: ) para mabawasan ang feeling na you’re getting near to the hopeless case list..
Never say die.. Tomorrow is another day.. Hanggang may tulay, may matatawiran.. hanggang may liwanag pa, hindi pa gabi.. ‘wag kang mawawalan ng pag-asa.. dadating din ang para sa’yo.. kung walang dumating, hayaan mo na.. sagot ni V ang pa-inom every weekend.. (Nay, ‘wag ka ng kumontra, love you)

Ingat kayo lagi.. Malapit na tayong mag-side B.. Excited na ‘ko.. hanggang dito na lang.. I thank you, bow!

Nagmamahal at nang-aasar lang,
Jona Beybi

January 22, 2010

GO, if you have the guts..

magkaklase kami ni mam irene sa farmville
kaya pareho lang ang tumatakbo sa isip namin..
DELETE ALL.. hehe:)

ayan ang PROPOSAL:)

Pasensiya na teacher ako ng grade one
kaya drawing grade one lang 'yan..

...

Nakakatawa nga.. Ang dami kong naisip habang pinapanood sila Pepe sa pagpo-plow diyan hehe: )
Kung may mga gusto kang gawin, bilin o mangyari na hindi ka sigurado, ahemMMMM.. sabi nila, kumunsulta ka sa ‘kin, para masira ang loob mo hehe: ) Ako ang didiskarte.. dahil ako ang malakas ang loob.. hindi naman ako kontrabida, sila naman ang lumalapit sa ‘kin para mag-inquire o humingi ng tulong.. nasa kanila pa din naman kung maniniwala sa ‘kin o mabibwisit sa ‘kin.. Para kasi sa kanila, my tastes and views are better than the rest.. Parang walking computer.. one click lang, tapos agad ang problema.. At isa pa, bilib sila sa dami ng access ko outside world.. Parang walking internet explorer.. wahaha: ) Hindi mo nakikita pero todo sa social networking.. Simple pero may mga connections.. Madaming friendships.. Surprising ang press relation.. Shocking ang daldal power.. No wonder, kahit ang mga magagaling at mapagmagaling, they listen to me.. They believe in me..
‘Yung mga hindi ako matanggap, ewan sa kanila.. Ang press release nga matigas daw ang ulo ko.. Huhhhh! Hindi lang nila ako mayanig.. I can stand for what I want and what I believe is not good for me..I am not afraid to go against the tradition.. I am breaking all the so called rules..Pinatunayan ko sa kanila na mas matigas pa ang ulo ko sa inaakala nila.. Kung ang katigasan ng ulo ay hindi pagsunod sa kulay at style ng kurtina at hindi pagsama sa mga training o seminar na hindi ko naman kailangan o required sa designation ko, bahala silang pumanget lalo sa paniniwala nila.. Hindi ako kumikibo pero ipinakita ko sa kanilang hindi kalambutan ng ulo ang kailangan ng isang teacher.. For three years,ginawa kong pinakamahalaga sa lahat ang tunay na dahilan kung bakit nandito ako sa mundong ‘to.. At kahit na sablay ako sa madaming bagay, when it comes to them, ALL OUT ako hehe: ) Sensitive ako when it comes to the kids.. Weakness ni Mam Jona.. haha: ) kung gusto mo kong mag-wild, ‘yan ang batuhin mo.. Batikusin mo ‘ko tungkol sa mga bata.. The next day, nasa ospital ka dahil ginulpi kita.. SMILE: )

January 20, 2010

CONFESSION

It turned out heavier to bear when the realization hanged painfully on my head that I had to deal with the frustration on my own. I used to face my struggles with faith there is someone who would back me up or pick me up whatever may happen to me after. But until now, I am still incapable of getting through the way unarmed of someone’s sympathy and empathy to defend me.
Maybe I am just missing the comfort of being loved for whatever mistakes I have committed. I miss the comfort of being remembered even I have taken the wrong steps at times. I miss the comfort of having no worries about facing whatever circumstances because I knew I would never be alone all the way.
I have been discreet on how it is like embracing a life without the person who made all that privilege possible for me. Through all of my attempts, I never succeeded to ease the misery of having to lose my bestfriend.
Even if it seems impossible to make it, each day is a battle of trying my hardest to hit at least a spot inside me to be a little okay. Since the day we took the opposite directions, the biggest portion of my courage has gone unable to work. I get easily down and it takes time for me to be able to get up. My spirit remains in low mode that’s why I couldn’t get myself overcome anything that easy or that soon when something shakes me.
If you would ask me why I am letting this to happen to me, because it’s the price for choosing what’s best for all. I have no plans of reviving what we had before. I would rather stay this way than regret the choices I have made. It is enough for me to think that whatever reason behind my sacrifice will always be worth it.

January 19, 2010

DISAPPOINTED

Pakiramdam ko binoycott nila ‘ko.. nakakafrustrate.. hindi ko inexpect na gano’n ‘yung mangyayari.. hindi ko napaghandaan.. i anticipated that it would go smoothly.. para silang na-possess.. nag-wild bigla.. at nabigla talaga ‘ko.. sobra..

Pero sabagay naisip ko din, what is wrong in seeing the worst situation? It’s not right to misled them with pretensions.. It’s not fair to get VS or even S rating because I deserve N.I. on what happened.. i just want to do what i should do in the most effective way i could..

maybe i can try again my best next time.. kung meron pang next time.. this unexpected outcome of observation failed me to see myself fully on this field.. nakakadisappoint kasi i'm almost there.. 'yung tanggap ko na i am meant to be here in teaching.. pero this day pushed me one step backward.. and i'm afraid i might get to changing my mind for trying my hardest to live with all these mess.. if that day will happen, i would go back to where i really wanted to devote my whole life..

January 15, 2010

O.R.T.

Nung sinusulat ko pa nga lang 'yung mga pangalan ng mga bata dun sa form naginginig na 'ko.. Tense na tense ako hehe:) Para silang sasabak sa isang laban.. at ako bilang coach nila ang nagpupush sa kanila to do their best para manalo.. Alam ko na may mga sablay sa kanila at kinakabahan talaga 'ko.. Pero bilang teacher nila, bilang nanay, ako 'yung unang-una na dapat maniwala sa kanila.. Kailangan kong ibigay 'yung tiwala ko para bigyan sila ng pagkakataong iangat 'yung sarili nila.. Ako 'yung dapat magpalakas ng loob nila na kaya nila at kakayanin nila.. Bawat lumalabas, chinicheer pa nila, "KAYA MO 'YAN, GALINGAN MO.." haha:) Manang-mana ba sa teacher?
Pero pakiramdam ko talaga kaninang isa-isa ko pa silang hinahatid sa pintuan ng office ng principal, parang tumigil ang mundo.. Ibang level 'yung feeling.. Nakakaiyak.. Hindi ko inisip na dadating 'tong araw na 'to na i would feel this great about myself..

Out of 42, 6 lang ang nag-alanganin na non-reader sa english, and take note, mga long vowel sounds pa ang pinabasa sa kanila.. 6 ang average.. sayang, kung nakabasa si jerome, 7 sana lahat.. Section 3 ako kaya hindi man kagaya ng inexpect ko, maganda na din ang naging resulta.. 'yung 6 naman na 'yon, nakakabasa naman ng CVC words, talagang kailangan ko lang diskartehan pa at gumawa ng wonders para ma-improve pa sila..

Ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob 'di ba? Kung may isang bagay na alam ko na kayang-kaya kong gawin, 'yung magpabasa ng bata..
For almost three years ko sa ACA, 'yun na 'yung naging buhay ko.. Dun ako nag-eexcel.. 'Yun 'yung alam kong kaya kong ipagmalaki sa sarili ko..

Hindi naman madali.. lalo na kung nasa public ka.. Parang sugal ang pagiging teacher.. at ang taya, 'yung sarili mo.. Lahat ng pwede mong gawin, gagawin mo.. Lahat ng pwede mong ibigay, ibibigay mo.. Kahit na imposible na, hopeless na, 'wag na 'wag mong susukuan ang mga estudyante mo.. Dahil ikaw, bilang teacher, ikaw ang magsisimulang bubuo ng kakayanan nilang magawa ang mga bagay na magagawa nila para sa sarili nila..

Masayang-masaya ako kanina kasi alam kong hindi nasasayang lahat ng pagsisikap kong turuan sila sa mga paraan na hindi din naman ako sigurado kung matututo ba sila..

January 9, 2010

MAYBE OLD FEELINGS WILL COME TRUE.....?

Naalala mo pa ba 'tong araw na 'to? Siguro hindi na.. Hindi naman na importante kung anong meron sa araw na 'to.. Hanggang sa isip ko na lang din lahat..

Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako ngayon.. Siguro kasi never naman akong umiyak ng ganito kaya naging mahirap para sa 'kin na kalimutan ka.. Ang gusto ko lang naman marinig sa'yo na mahal mo pa din ako.. Sabagay it's not fair na magsinungaling ka sa'kin at sa sarili mo, kaya ano pa man ang sinagot mo sa 'kin noon, kahit na ang sakit-sakit para sa 'kin, pinilit ko na lang tanggapin..Sobrang unfair na pinabayaan mo na lang ako.. Kaya araw-araw pinipilit kong bumuo ng isang mundo na hindi ka na kasali..

Sorry, kung nagsisinungaling ako sa'yo tuwing magtetext ka..Hindi mo lang kasi alam kung ga'no kahirap para sa 'kin 'yung mga ginagawa mo.. Pinapaasa mo 'ko.. Kahit ayoko ng umasa, umaasa pa din ako, kasi mahal na mahal pa din kita.. At hindi mo lang alam kung ga'no kasakit sa 'kin na hindi ko man lang masabi 'yon sa'yo..

Okay na 'ko.. Okay na 'ko ng ganito.. Nakikiusap ako sa'yo na 'wag mo ng guluhin 'yung buhay ko..Hindi ko na kakayanin kung makikita pa kita ulit tapos iiwanan mo na lang ulit ako na mag-isa..
Alam ko naman na kaya mong maging masaya ng wala ako.. kaya sana hayaan mo na lang din akong maging masaya ng wala ka..

January 7, 2010

ANIV..

Even if I know it would only hurt me, I will always choose to risk the chance..
Maybe I had most of my days in the dark but at least I still managed to survive..
I found the reason to love myself more and discover what else I can do aside from letting things pass me by..

Sometimes, loving means giving way.. to other's way..
We learn best by sacrificing because it shows how much we really care..
It is also true, LET GO, LET GOD..
Stronger persons are processed by the pain, frustration, even anger, and most of all, their willingness to forgive and forget and look forward..

In the end, it's not how much things break our hearts, but how better we become through it all..

THE RIDE WITH YOU IS WORTH THE FALL, MY FRIEND.. Can I say, SEE YOU SOON?

January 4, 2010

ADOPT

expected ko na ang pang-ookray ni pogi kay chaka, malayo pa lang kasi nakita ko na 'yung facial expression.. "ANG PANGIT NG HAIR NIYA".. wahaha:) initial reaction lang naman.. siyempre selos at inggit ang mararamdaman non lalo na hindi kami tabi-tabing kumain kaninang lunchbreak.. bigla tuloy nagtulug-tulugan si pogi sa inis siguro.. pero nung nag-uwian na, friends na sila..

Idea ni ate shane 'yon.. naliligo pa nga lang ako nandun na siya sa bahay.. nauna pang nakagayak sa 'kin.. wala naman siyang reklamo.. hindi naman din siya nagtatantrums.. binibilog lang ni mama 'yung ulo ko kaya okay na din sa 'kin.. 'wag niya lang talaga 'kong bibwisitin, ihahagis ko siya sa labas ng bonggang-bongga..

January 2, 2010

HAPPY NEW YEAR

One of our pupils in ACA sent me an instant message in fb showing his excitement at the resumption of classes on monday.. I replied "MATAGAL PA".. wala, nang-aasar lang.. at talagang ipinilit niya sa 'kin na "MAM MALAPIT NA PO 'YON"..

I feel the opposite.. Pwede bang i-extend pa ng one week ang break? hehe:)

May hangover pa sa mga happenings.. Ang dami kasing discoveries..

Things are changing talaga.. Shocking, pero i'm getting used to na din, kahit pa'no..

Like suddenly, nagvovolunteer si mare.. ngek.. parang talo kami.. siyempre reject ang lola mo.. kahit pa tall, dark and handsome siya.. hindi ako kinikilig.. itsura niya!

Kahit ang daming nagtext sa 'kin na malungkot sila nung new year kasi wala silang lovelife.. dinadamay pa 'ko.. adik sila, pare-pareho man kaming nagsipagsopas hindi naman ako negative.. tinanung pa 'ko, MALUNGKOT KA DIN BA? MASAYA KA BA? MAY LOVELIFE KA BA?

busy ang utak ko sa mga drinking sessions hehe:) matanda naman na 'ko.. and that's one of the good things na nangyari, i found myself a new circle of drinking buddies..

ayoko pang pumasok pero kailangan na.. L.P. na bukas ang top priority, hindi na yelo.. hehe:)