Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


January 23, 2010

GORI and FRIENDS

Salamat sa pag-iinarte mo.. I was enlightened..Dinaig mo pa kami sa kadramahan mo.. Praning lang ako minsan pero hindi ko naman naisip na talikuran ang pagkakaibigan natin..

Grumaduate lang tayo ng college.. Nagkatrabaho.. Nagkalayo-layo man ng konti.. Patanda man tayo ng patanda.. Pataba man kami ng pataba.. Pero kahit ano pa man ang mangyari kaibigan, magkakaibigan pa din tayong lahat habang buhay..

Kung nalulungkot ka at pakiramdam mo napakaworthless ng buhay mo dito sa mundo, nagkakamali ka ng inaakala mo.. You can always think of us, turn to us and we will make you feel alright..

May pagkaterorista ka man pero para sa ‘kin, sa amin na mga kaibigan mo, alam namin, ramdam namin ang pagmamalasakit mo.. Masungit ka lang sa ibang tao, at kahit sa amin, pero dumadamay ka sa lahat ng pagkakataon.. Kusa kang tumutulong kahit hindi sinasabi sa’yo o walang nagiging kapalit ang mga ginagawa mo..

Ang hinding-hindi ko makakalimutan sa’yo, ‘yung galit na galit ka sa ‘kin kasi hindi ako nangopya sa’yo nung pinapakopya mo ko sa exam kay mam lucena dahil alam mong hindi ako nakakapagreview dahil nagtatrabaho ‘ko no’n.. Alam kong ayaw mo lang na bumagsak ako dahil ilang quizzes na ang wala akong naisasagot.. There was an instance na na-zero pa yata ako.. Alam ko ding ayaw mo lang na hindi ako makagraduate agad kung babagsak ako at magkaproblema sa scholarship.. Maraming salamat..

Naalala mo din ba na kapag may mga assignments tayo, ilan kaming mga tamad ang ginagawan mo para lang hindi kami ma-incomplete.. Iniiba mo lang ‘yung sulat mo kahit panget pa din hehe: ) ang point ko dito, isa kang tunay na kaibigan.. Pilit mo kaming hinahatak at ibinabangon para walang maiwanan.. para lahat tayo sabay-sabay.. Hindi lahat ng tao ay kayang gawin ‘yung gano’ng klase ng pagmamalasakit kahit na sabihin mong kaibigan pang tinatawag.. Hindi lahat ng tao ay handang magsakripisyo ng oras, utak, papel at tinta ng ballpen para sa kapakanan ng iba.. Iba ka kaibigan..

Hindi makukompleto ang saya ng barkada kung wala ang pagsusuplado mo sa ‘ming lahat..Kahit sa iba’t ibang klase ng palabas, hindi masaya kung walang kontrabida.. Bahagi ng tropa ang mga pang-ookray mo.. May ambag kang saya at pagmamahal sa samahan.. Kaya kahit man lang sa ‘min, ‘pag nilingon mo kami, maramdaman mong may halaga ka sa mundo, dahil sa ‘ming mga kaibigan mo..

Magkakadugtong na ang mga buhay natin kahit na magkakaiba tayo.. Kung hindi ka importante sa ‘min, hindi ka namin isasama sa mga plano..

Alam mo isang bote lang ‘yan.. Tigi-tigisang bote lang kami.. Ihahampas naming lahat sa ulo mo para magising ka sa kabaliwan mo.. Alam kong namimiss mo din ang ingay ni jeraldine.. ang kakulitan ni shiela.. ang tawa ni floramyr.. ang pang-aasar ni jade.. ang pambibwisit kay hilbert.. ang pang-e-H nating lahat..

Kung binabalak mo talagang itapon na lang kami, hindi ka magtatagumpay! Sa amin pa lang ni ivy mahihirapan ka na.. We are twice of your weight.. ‘di mo kami mabubuhat.. wahaha: ) Smile kaibigan.. You need us to stretch your wrinkled face.. Laughter is still the best alternative to Belo for you to stay looking young and looking greater than a real gorilla.. PEACE!

I know masyadong korni pero to make you realize your worth to us, mahal ka naming lahat, kaibigan.. Alam ko naman na kung may isang bagay na nagpapalungkot sa’yo ay ‘yung pagtandang binata.. Hindi ka naman nag-iisa kung sakali, si baki sa tingin mo may planong magpasakal ‘yung mokong na ‘yon? Si dugong, sa tingin mo may magkakamali? (love you Hilbert, joke lang).. Tapos kaming mga candidate na maging old maid.. ako, si batotina, si rizalina.. At kahit ‘yung ibang may mga pamilya na, nandiyan pa din naman sila.. HINDI KA NAG-IISA, kaibigan..

Sige, don’t worry,we’ll do our best to market you.. Don’t feel too bad.. just bad is enough.. hehe: ) We’ll think of the best strat to convince the girls out there that you’re a lot better than any other guys up there.. You are a professional.. responsible man.. faithful.. negotiable, (‘wag ng pa-hard to get..) and most of all, innocent.. (any objection? Violent reaction?)

I love you, kaibigan.. Magalit ka na kung magagalit ka.. Kahit nasa inuman ako nung new year nireplayan kita kasi alam kong kailangan mo din ng rescue kagaya ko minsan.. I just want to make you happy so I made this one.. Sana, kahit pa’no ma-appreciate mo, and the other hehboons ang effort ko.. kahit madami akong trabaho, inuna ko pa talaga ‘to para hindi ka na masyadong malungkot at masiraan ng ulo..

See you on dhine’s wed.. best man ka daw uyyyyyyy!!! Sa’yo na ang bouquet para ikaw na ang next in line ngehehe: ) para mabawasan ang feeling na you’re getting near to the hopeless case list..
Never say die.. Tomorrow is another day.. Hanggang may tulay, may matatawiran.. hanggang may liwanag pa, hindi pa gabi.. ‘wag kang mawawalan ng pag-asa.. dadating din ang para sa’yo.. kung walang dumating, hayaan mo na.. sagot ni V ang pa-inom every weekend.. (Nay, ‘wag ka ng kumontra, love you)

Ingat kayo lagi.. Malapit na tayong mag-side B.. Excited na ‘ko.. hanggang dito na lang.. I thank you, bow!

Nagmamahal at nang-aasar lang,
Jona Beybi

No comments:

Post a Comment