
Todo effort.. pati pagsesemento trinabaho.. adik!!!

hindi pa tapos 'yan.. level one pa lang naglalaway na sila.. wahaha:)
minsan, masarap din palang ibang level ka..

‘Pag nakikita ako ng ibang mga kaibigan ko, binibiro ako na, BUHAY KA PA PALA.. Sabi nga nila, nakalimutan ko na daw ‘yung sarili ko.. Siguro nga.. Kaya nga sumama ‘yung loob ko last time.. Kumanta na lang ako, I DID MY BEST BUT I GUESS MY BEST WASN’T GOOD ENOUGH.. Naiiyak ako no’n kasi hindi ko alam kung ano ‘yung kailangan ko pang gawin.. Pero sabi nga, teacher’s output in their hard work is intangible..
Marami akong crisis na pinagdadaanan emotionally, but because of my desire to uplift the quality of the kids when they step out of my touch, napapalungkot man ako ng mga taong dahilan, pero hindi na ‘ko tumitigil o tumatanga na lang.. I am learning to just sigh when I think of them and I will go back on doing my calling more than what I am required to accomplish.. Araw-araw mang gumuguho ang mundo ko, each day is a shining moment for me.. I love and hate the kids.. and more than anything, I thank them for the life I have to continue to flourish.. Puso lang ang disabled sa ‘kin, but the other parts can still perform.. I can still plow and plant their lives.. farmville ‘di ba? Kaya may mahaharvest sila at the right time.. Ayokong maging walang kwentang teacher.. Kung ‘yung buhay ko, hindi ko magawang ma-renovate, hindi na big deal sa ‘kin ‘yon.. Ayokong maapektuhan sila sa pagiging tanga ko.. Kaya kong i-set aside ang damdamin ko para sa kapakanan nila.. Loser na kung loser pero alam kong pwede pa din naman akong gumawa ng mabuti para sa ibang tao..
Kailangan ko na bang magpaconfine sa Mandaluyong? Hehe: ) para bang hindi ako? Seriously, alam ko naman na if ‘best’ is still here, ‘eto din ‘yung gusto niyang mangyari sa ‘kin.. Nakakalungkot kasi he is the first person I want to share the goodness of being a teacher.. Alam ko na magiging proud siya sa ‘kin.. Pero alam ko ding imposible ng mangyari ‘yon dahil wala ng chance o dahilan para makita ko pa ‘yon sa kanya.. Umaasa na lang ako na dadating ‘yung araw na maisipan niya pa ding lingunin ‘yung mundong nando’n ako.. kahit na hindi niya na gustong bumalik, okay na sa ‘kin ‘yung tignan niya pa din ako kahit pa’no..
Siguro ngayon, may mas matino akong pananaw sa mga bagay-bagay kahit na masakit na masakit ‘yung puso ko..hehe: ) Nandun pa din ‘yung pakiramdam na gusto kong umalis, pero mas nangingibabaw ‘yung pakiramdam na gusto ko ng mag-stay na lang dito.. I don’t need to go anywhere to have a heart transplant.. para full force na ‘ko sa mga ginagawa ‘ko gano’n hehe: ) God put me on this weakening situation to teach me to maximize the small amount of strength left to me..
No comments:
Post a Comment