Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


January 30, 2010

NEW "BFF"

Hindi na si Shiella ang enemy number one ko hehe: ) No other than, dandananannnn.. “JENNILOU!”.. ‘yung pumalit kay miss magna cum laude.. Wala akong balak talagang sumama sa seminar sa Baguio, pero dahil kasama ang lola mo, sasama na din ako.. GOAL FOR THE MONTH: ruin her life.. hehe: ) joke lang.. siyempre, maging close siya sa ‘kin tulad nila Mam Lisa, Lourdes and the other faces that come and go..

Natulala lang naman kasi kami ni Louraine sa ginawa niya kay Ate Zenny habang nasa Science Garden kami.. “BAGO MO UNAHIN ‘YAN, AYUSIN MO MUNA ‘YUNG MGA FORMS MO”.. Kahit may pagkukulang ‘yung tao, hindi naman natin dapat kalimutan ang COURTESY sa mga nakakatanda sa ‘tin.. Umiral ang pagkamaawain ko kaya ipinakuha ko sa kanya ‘yung pinang-gagalaiti ni Jennilou.. Nakita tuloy namin na sablay na sablay ang mga trabaho nila pareho.. Hehe: )

Tinuldok ko ang total score ng mga bata nila, ipinaliwanag ko na ‘yung result nung MPS nila, ang ibig sabihin non hindi sila nagtuturong mga teachers ng Grade 4.. Magrereflect ‘yon sa buong school.. School ang ipapahiya nila..

Nakaresbak ba? Hehe: ) Tinawag ko pa si Mam Neri para maipaliwanag din sa kanya ang mga dapat niyang gawin.. Dapat niyang matutunan kung paano ilulugar ‘yung sarili niya sa lahat ng pagkakataon.. Kung hindi siya marunong makisama, I am more than willing to teach her.. Kaya next school year kapag ibinaba na ang election ban, ‘pag na-transfer na si Ate Zenny, goodbye Grade 1, hello Grade 4 ako.. Kaming dalawa ang magsasama sa isang classroom.. I will force her to love me hehe: ) or else, tumatag siya.. Match na match kaming dalawa.. parehong walang pakialam sa mundo..

Nabagbag din ang damdamin nila sa re-enacment ko sa crime scene.. Tawa sila ng tawa.. Gusto man akong bawalin ni Sir Nimrod pinabayaan na lang din ako at isa siya sa mga sinisibangutan ni Jennilou dahil magkasama sila sa Hekasi Garden, Oplan Farmville.. Isa lang naman din ang pumasok sa isip nila, nakahanap ng katapat sa ‘kin..
Dahil sa pangyayaring ‘yon kaya ko lang inentertain sa isip ko ‘yung pag-akyat ng level.. Na-challenge ako.. And it’s good naman ‘di ba? I am giving myself a chance to grow..

Ako ang hahawak ng English at Hekasi kung sakaling ma-approve ni Mam Madelon.. Tinext ko si V na itutor ako.. O kahit mag-enroll ako ng English Proficiency gagawin ko.. By next week, hihiram ako ng PELC para makita ko na ang mga kailangan kong gawan ng plan.. Madami naman na ‘kong napatunayan sa sarili ko for 3 years na nasa Grade 1 ako, kailangan kong iexplore ang ibang posibilidad para sa sarili ko.. I think this is the best time.. the best chance..

I don’t hate Jennilou like I did to Shiella.. hehe: ) Gusto ko lang ipakita sa kanya na THERE’S A GREATER WORLD OUT THERE.. out with the people she sees all the time.. She needs to consider a lot and change a lot para hindi siya mangarag.. I am really planning to make her my kasangga in the near future..

Gano’n din naman ako sa kanya nung bago pa ‘ko, detached.. reserved.. Kaya naiintindihan ko siya.. Ang hindi ko lang matanggap ‘yung kawalan niya ng respeto sa mga taong may edad na.. Mahadera man ako madalas pero alam ko kung hanggang saan lang ako babato.. Hindi ako nambastos kahit kilan, kahit na masakit na masakit at masamang –masama na ang loob ko..

Bilang bahagi ng pwersa ng ACA, dapat matutunan mong mahalin at irespeto ang mga kasama mo.. Kahit hindi mo sila feel.. Dahil kayo-kayo ang magkakasama sa lahat ng pagkakataon.. Magkakaiba man ang personalidad ng bawat isa.. Hindi dapat maging big deal ang pagkakaiba-iba sa iisang hangarin.. At hindi magandang down na nga ang isang tao, idadown mo pa lalo..

Ang mga teachers tao lang naman din.. May kanya-kanyang topak.. May kanya-kanyang kulo.. Nagkakaasaran.. Nagbabangayan.. Pero ‘pag kapakanan na ng school ang pinag-uusapin, walang dapat kumawala.. Dahil pare-pareho tayong babagsak..

ACA is one of the best public schools in Cabanatuan City.. Dahil sa disiplinang nabubuo sa mga teachers.. Dahil sa dedikasyon sa trabaho.. Kahit hindi na kaya, kaya pa din.. Kahit low performing sa NAT at RAT, humahataw sa lahat ng competition hanggang region.. No wonder, it is considered as the training ground of District 1. ‘Pag bago ka sa karera, do’n ka itatapon para matuto ka.. And yours truly is the big big proof..

Kaya nga ayoko ding umalis do’n, dahil alam kong malayo ang mararating ko habang nasa ACA ako..

Kailangan kong gawan ng himala si Jennilou para matuto siya.. Para hindi na din siya nahuhuli ni Mam na walang lesson plan.. Para na din sa ikabubuti niya.. Kawawa naman din siya kung lagi na lang siyang talk of the town.. Siya na nga ang leading star sa mga kathang isip ng mga talentadong guro.. Ay ‘pag nabasa niya ‘yon, sigurado kong sabog kaming lahat.. Lagot kami nila Mam Irene, Mam Judy, Mam Louraine, Mam Charlote, pati na ang principal.. Siya ang nagbigay ng idea sa masining na pang-ookray na nagaganap sa mga pictures sa facebook ko..

Mabuhay kaming lahat.. It’s a great feeling to be here.. LOG-OUT mode.. mwahahaha: )

No comments:

Post a Comment