Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


January 15, 2010

O.R.T.

Nung sinusulat ko pa nga lang 'yung mga pangalan ng mga bata dun sa form naginginig na 'ko.. Tense na tense ako hehe:) Para silang sasabak sa isang laban.. at ako bilang coach nila ang nagpupush sa kanila to do their best para manalo.. Alam ko na may mga sablay sa kanila at kinakabahan talaga 'ko.. Pero bilang teacher nila, bilang nanay, ako 'yung unang-una na dapat maniwala sa kanila.. Kailangan kong ibigay 'yung tiwala ko para bigyan sila ng pagkakataong iangat 'yung sarili nila.. Ako 'yung dapat magpalakas ng loob nila na kaya nila at kakayanin nila.. Bawat lumalabas, chinicheer pa nila, "KAYA MO 'YAN, GALINGAN MO.." haha:) Manang-mana ba sa teacher?
Pero pakiramdam ko talaga kaninang isa-isa ko pa silang hinahatid sa pintuan ng office ng principal, parang tumigil ang mundo.. Ibang level 'yung feeling.. Nakakaiyak.. Hindi ko inisip na dadating 'tong araw na 'to na i would feel this great about myself..

Out of 42, 6 lang ang nag-alanganin na non-reader sa english, and take note, mga long vowel sounds pa ang pinabasa sa kanila.. 6 ang average.. sayang, kung nakabasa si jerome, 7 sana lahat.. Section 3 ako kaya hindi man kagaya ng inexpect ko, maganda na din ang naging resulta.. 'yung 6 naman na 'yon, nakakabasa naman ng CVC words, talagang kailangan ko lang diskartehan pa at gumawa ng wonders para ma-improve pa sila..

Ngayon pa ba ako panghihinaan ng loob 'di ba? Kung may isang bagay na alam ko na kayang-kaya kong gawin, 'yung magpabasa ng bata..
For almost three years ko sa ACA, 'yun na 'yung naging buhay ko.. Dun ako nag-eexcel.. 'Yun 'yung alam kong kaya kong ipagmalaki sa sarili ko..

Hindi naman madali.. lalo na kung nasa public ka.. Parang sugal ang pagiging teacher.. at ang taya, 'yung sarili mo.. Lahat ng pwede mong gawin, gagawin mo.. Lahat ng pwede mong ibigay, ibibigay mo.. Kahit na imposible na, hopeless na, 'wag na 'wag mong susukuan ang mga estudyante mo.. Dahil ikaw, bilang teacher, ikaw ang magsisimulang bubuo ng kakayanan nilang magawa ang mga bagay na magagawa nila para sa sarili nila..

Masayang-masaya ako kanina kasi alam kong hindi nasasayang lahat ng pagsisikap kong turuan sila sa mga paraan na hindi din naman ako sigurado kung matututo ba sila..

No comments:

Post a Comment