gagraduate na sana 'ko ngayon.. INSPECTOR JONARIZZA GEDO CRUZ AGULAN..
sumasaludo na sa 'kin si papa siguro at lahat ng mga ka-tropa sa fp.. hehe:)
naalala ko lang 'yung nangyari.. and its harder this time kasi walang sir archie na nandiyan.. walang christian na nandiyan.. pero ang nandiyan pa din siyempre si beeone.. si IVY GRACE JUAN-CAUZON.. (ayan, buong-buo)
unang beses ko pa lang tumuntong sa ppsc year 2006 iba na talaga ang pakiramdam ko.. Ang sarap ng pakiramdam na nakikita mo 'yung sarili mo sa lahat ng taong kasama mo sa escarcha hall.. Kaya nung ipinakita sa 'kin ni sir banta 'yung result na hawak niya, parang tumigil ang mundo ko..
Pinilit naming hinabol ni mama 'yung pagkakataon, pero lalo lang bumigat 'yung naging bagahe ko pag-uwi ko sa nueva ecija..
Walang umagang hindi mo ko makikita sa park no'n.. 4am pa lang nasa old cap na ko, sa oval o sa glorietta ni tatang.. pilit pinanghahawakan 'yung pag-asa na pwede pa..
sobrang excitement nga ni papa sa pagpasok ko sa academy.. pinaghandaan niya 'yung oath taking ko, sana..
Habang palapit ng palapit 'yung araw ng graduation ko sa college nung taon din na 'yon, pabigat din ng pabigat ang katotohanan na itinago ko sa kanila.. Ayoko kasing biguin si papa.. At siguro, hindi ko din naman matanggap na sa isang araw lang, nawalan ng saysay ang lahat..
Hindi pa din ako tumigil.. Kahit nagtuturo na 'ko sa private, nagtake ulit ako ng exam.. bumalik ulit ako sa taguig.. at pagkalipas ng ilang araw, umiiyak na lang ako sa florida bus pauwi..
Hindi pa din naman ako sumuko.. sa huling pagkakataon,nakita ko na lang 'yung sarili ko na parang nawawala sa underpass sa quiapo.. parang nawala ako sa sarili ko sa kaba at takot na sa kahuli-hulihang pagkakataon, mabibigo na naman yata ako..
Umuwi akong umaasa na sa huling pagkakataon pagbibigyan na 'ko ni Lord sa pangarap ko.. hanggang sa tuluyan na talaga kong nawalan ng pag-asa..
Naisip kong magbakasakali sa olivas.. Pinilit kong buhayin ulit 'yung loob ko..Inisip kong pwedeng-pwede kong ituloy 'yung pangarap ko do'n.. Sabi ng ibang naging tropa ko sa pnpa, ako man lang makatupad sa pangarap namin..
Kaya nung isinoli ni PO1 Aguilar 'yung folder ko a year ago, hindi ko akalain na magiging gano'n pa din kahirap at kasakit..lahat ng luhang hindi ko iniyak for so many years, naiiyak ko nung araw na 'yon..
Sabi ni V kasi the one you love the most is the only thing that can hurt you the most.. kahit magpaulit-ulit pa, it will be the same..
Gusto ko pa din namang ituloy 'yung pangarap ko, pero sa ngayon, kailangan ko muna kasing itabi muna..
Sa loob ng isang taon that i've been trying to live my life where i never wanted to see myself, do'n ako napunta, do'n ako nagtagal..
Siguro tama si sir banta, god has perfect plans to us.. Kaya kung ano man ang plan ni lord, tatanggapin ko na lang.. kung hindi ako talaga para do'n, at dito ko talaga.. magiging masaya na lang ako..
No comments:
Post a Comment