Naalala mo pa ba 'tong araw na 'to? Siguro hindi na.. Hindi naman na importante kung anong meron sa araw na 'to.. Hanggang sa isip ko na lang din lahat..
Hindi ko alam kung bakit umiiyak ako ngayon.. Siguro kasi never naman akong umiyak ng ganito kaya naging mahirap para sa 'kin na kalimutan ka.. Ang gusto ko lang naman marinig sa'yo na mahal mo pa din ako.. Sabagay it's not fair na magsinungaling ka sa'kin at sa sarili mo, kaya ano pa man ang sinagot mo sa 'kin noon, kahit na ang sakit-sakit para sa 'kin, pinilit ko na lang tanggapin..Sobrang unfair na pinabayaan mo na lang ako.. Kaya araw-araw pinipilit kong bumuo ng isang mundo na hindi ka na kasali..
Sorry, kung nagsisinungaling ako sa'yo tuwing magtetext ka..Hindi mo lang kasi alam kung ga'no kahirap para sa 'kin 'yung mga ginagawa mo.. Pinapaasa mo 'ko.. Kahit ayoko ng umasa, umaasa pa din ako, kasi mahal na mahal pa din kita.. At hindi mo lang alam kung ga'no kasakit sa 'kin na hindi ko man lang masabi 'yon sa'yo..
Okay na 'ko.. Okay na 'ko ng ganito.. Nakikiusap ako sa'yo na 'wag mo ng guluhin 'yung buhay ko..Hindi ko na kakayanin kung makikita pa kita ulit tapos iiwanan mo na lang ulit ako na mag-isa..
Alam ko naman na kaya mong maging masaya ng wala ako.. kaya sana hayaan mo na lang din akong maging masaya ng wala ka..
No comments:
Post a Comment