Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


February 25, 2010

CASE DISMISSED: )

After all our efforts and sacrifices, we cannot WIN everyone... But as long as you STAND COMPLETELY for what is RIGHT and JUST, NO ONE can ever PUT YOU DOWN..
Ngayon ko nga sana gustong pumunta sa Olivas para sa app ko sa Napolcom.. Pero hindi ako tumuloy.. pumasok pa din ako.. dahil kailangan.. Kailangan kong harapin ang mundo.. Kailangan kong ipaglaban ang mga paniniwala ko..

Bongga nga sa depensa.. Nakakuha ako ng mga abogado.. haha: ) Ang mga estudyante ko.. Kahit ang mga bata ay kayang MAGSALITA para sa KATOTOHANAN.. May future na sila sa KORTE.. may OJT na kanina.. hehe: ) Hindi ba masyadong nakakahiya na mga grade one lang pala ang ka-level ng magulang na nagreklamo sa ‘kin?

Ilang araw na din kasi akong walang matinong tulog kaya hirap na hirap din akong kontrolin 'yung sarili ko.. PIKON NA PIKON NA TALAGA 'KO.. Pero, PAUSE lang.. PAUSE!!! Akala siguro niya masisindak niya ‘ko.. Kahit saan kami makarating, hindi ako matatakot.. Siguraduhin lang niya na kaya niyang panindigan lahat.. Dahil kaya kong ibalik sa kanila lahat ng reklamo niya.. Nagkamali siya ng BINANGGA.. Wala naman akong ipinagmamalaking koneksiyon.. Simpleng mamamayan lang din ako.. Kilala ko lang ang sarili ko.. LALABAN AT LALABAN ako, ALAM KO kung pa’no ko itatayo ang sarili ko sa lahat ng pagkakataon.. basta alam kong TAMA ako..

Nasa huli talaga ang sisihan.. Ang totoo, hindi lang naman matanggap nung nagreklamo sa ‘kin na hindi papasa sa ‘kin ‘yung anak niya.. Kaya lahat ng kwento, kasinungalingan, ginawa.. mapasama lang ako.. Salamat sa kanya.. Ipinakita niya sa madaming tao na nagmamalasakit pa din kami sa kabila ng pagiging kawawa namin sa LIPUNANG ito.. Sa FORM-I ko pa lang, supalpal na siya.. Attendance ‘yon ng mga bata.. Hindi kako pwedeng PAPASUKAN LANG KAMI KUNG KAILAN LANG KAMI GUSTONG PASUKAN.. Binitbit din nila Nathaniel ‘yung basket ko ng mga output nila, WALANG FOLDER ang anak niya.. Ibig sabihin, walang ginagawa ang anak niya.. ‘Pag may mga activities kami, nakatitig lang sa ‘kin o kaya binibwisit ang mga kaklase.. BAWAL ang CORPORAL PUNISHMENT ‘di ba? Anong ginagawa ko? Hindi ko pinag-rerecess.. Ang RECESS kako ay para lang sa mga NAGHIHIRAP mag-aral.. Kung gusto mong mag-recess, MAG-ARAL ka!!! Tapos walang assignments, quizzes, recitation, E ANONG IMAMARKA KO SA ANAK NIYA? Lalo na sa BEHAVIOR, laglag na laglag na.. Hindi ko intensiyong ipahiya ‘yung Nanay ng bata, pero ANG KATOTOHAN ay HINDI NAGSISINUNGALING.. Nagtitiyaga ako at nagpapasensiya buong taon, pero may HANGGANAN ang LAHAT.. Wala sa ‘kin ang problema, NASA ANAK NIYA at SA KANILANG MGA MAGULANG..

Tatlong bagay lang naman ang gusto kong ituro sa mga bata bilang estudyante: 1) DISIPLINA 2) PAGKUKUSA at 3) PAGSISIKAP.. Kung mayroon niyan ang isang bata, kahit hindi pukpukin ng teacher, siya na mismo ang kikilos sa sarili niya para matuto..
May mga ini-impose akong rules na parang napaka-imposible.. Pakiramdam ng iba pinarurusahan ko ang mga bata.. Pero bilang isang teacher, isa sa mga makakapagpatibay ng pagiging effective mo, "MEAN WHAT YOU SAY".. ‘Wag kang magsasalita ng hindi mo kayang gawin.. Dahil kakayan-kayanan ka lang ng mga tinuturuan mo, pati ng mga magulang..

Isa lang naman ang gusto kong patunayan sa araw na ‘to: HINDI LAHAT AY DAPAT ISISI SA TEACHER.. Hindi makatarungang isisi sa ‘min ang kakulangan at kapabayaan ng ibang tao bilang mga magulang.. May tungkulin din ang mga magulang sa mga anak nila.. Tungkulin ng mga magulang na sumubaybay at umalalay.. ‘Yung PINAKA na nga lang sa lahat na kailangan nilang gawin, PAPASUKIN ANG ANAK NILA ARAW-ARAW.. Oo, mahirap ang buhay, PERO sino bang PILIPINO ang hindi nakakadanas ng hirap bukod sa mga MAYAYAMAN? May bagay bang madali? Walang bagay na hindi natin makakaya kung PAGSISIKAPAN nating MAABOT.. Maraming magulang na pilit irinaraos ang mga anak nila, bakit sila, hindi nila kayanin? Sa public naman, PRESENSIYA lang ng bata ang importante.. Kung may mga kailangang bayaran, salamat kung may mga batang makakapagbayad, pero kung walang kakayahan talagang makabayad, KAMI NA ANG BAHALANG MAG-ABONO..

Hindi ko kailangan ng simpatya ng ibang tao.. Alam kong hindi ako gano’n kabuting teacher.. Pero wala akong hinangad kundi ang ikakabuti lang ng mga batang dumadaan sa kamay ko.. Dahil kahit anong PAGSISIKAP naming mga teacher, kung ang bata hindi din pumapasok at magsisikap na matuto, wala talagang mangyayari.. May magagawa pa din naman kami, ang ibagsak sila.. at turuan na lang ulit sila sa susunod na taon.. LEARNING TAKES TIME nga kasi.. Siguro kung sampung-taon na sa grade one, ‘pag hindi pa talaga NAGABAGO, EWAN KO NA LANG TALAGA.. wahaha: ) Teach and teach until you succeed..

No comments:

Post a Comment