Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


February 1, 2010

Turu-turuan.. TURUAN!

Ano daw ba ang sense ng ginagawa naming report para sa Phil-Iri? Sabi ko, "WASTE OF TIME". Naisip kaya nung promotor non kung ilang bata ang napapabayaan ng mga teacher dahil don? Okay na sana ‘yung dati, hardcopy ng consolidation na lang ang ipinapass.. Wala naman ding nangyayari sa mga IDEAS nila.. dahil kami pa ding mga teacher ang nasa REALIDAD.. Pero sorry sila hindi pa din nila ko mangangarag.. pati nga ‘yung sa last section, ako pa ang gagawa.. siyempre, VOLUNTEER.. mabait naman ‘yung bagong teacher kaya tinutulungan ko.. wala namang masamang mag-CHARITY.. lalo na at masyadong mautak ‘yung isang COOR na may hawak no’n.. No other than my G. L... UMUSOK si Charot at JUDAY kanina haha: ) Kaya full powers kami ngayong mga powerpuff dahil sa kanya.. Kawawa naman kasi ‘yung nasisisi ng walang kamalay-malay sa mga pangyayari.. Sabagay gano’n naman talaga siya.. ALL THE TIME.. masyadong magaling.. Perfect! Hindi niya aaminin kung may mali siya o pagkukulang.. Basta siya alam na alam niya lahat pero inosente.. wahaha: ) Hays.. Hindi uubra sa ‘kin ‘yon.. Kung ako nga daw ‘yon e susugudin ko na.. Hindi dahil sa ayokong magpa-api.. Ayoko lang na kinakawawa ako ng talikuran sa mga bagay na wala naman akong kinalaman.. Mabuti ng harapan, para magkaalaman at malinawan ang mga bagay-bagay.. Well, she’s nice naman to me, kahit pakitang tao minsan.. Gano’n lang naman talaga sa totoong buhay, PLASTIKAN.. Walang totoong taong makikisama sa’yo ‘pag ang pinag-uusapan na ay KAGALINGAN.. Kaya ‘pag may BATIKOS sa kakayahan mo, maapektuhan ka man, ‘wag na ‘wag mong ipapakitang pinanghihinaan ka ng loob.. Dahil ‘pag down ka, lalo ka pang ida-down ng mga taong nang-aapi sa’yo.. Hindi masamang pumalag at kumibo.. Hindi lahat ng sinasabi ng iba ang TAMA, kailangan pa din nating ipaglaban ang TOTOO at MABUTI.. lalo na kung wala naman talaga tayong hinahangad kung hindi ang KABUTIHAN para sa MUNDO..

FLASHBACK:


Last year, ang press release kesyo nang-iipit daw ako ng bata, as in hindi ko inaakyat ‘yung mga maiinam.. Kasi ‘pag reading test na, may mga bata akong magagaling.. Nakakasakit ng loob.. Araw-araw buong taon, naghihirap ako sa pagtuturo tapos sasabihin niya ko ng kung anu-ano.. Hindi naman ‘yung credit sa pagiging masipag o magaling na teacher ang habol ko o OUTSTANDING sa T.I.P... Ang sa ‘kin lang, parang sinasabi niyang hindi ako nagtuturo.. Masakit para sa ‘kin ‘yung ginawa niya.. Kaya hindi ko natiis, hindi rin nila ko napigilan, kinompronta ko talaga siya.. Ayun, todo deny ang lola mo.. Wala naman daw siyang sinasabi.. Si Shiela daw ‘yung sinabihan niyang nang-iipit ng bata.. Hmppp.. Ang galing ng depensa.. Talagang paghahamak sa kakayahan ng iba.. Subukan niya kayang magturo para uminam naman ang mga bata niya at hindi niya isinisisi sa mga kasama niya ‘yung mga kapabayaan niya.. ‘Yun lang naman kasi ang KASO.. SIYA ANG HINDI NAGTUTURO! Masyado siyang busy-busyhan..

Siyempre ‘pag pasukan pa lang, wala akong batang pwedeng ipambato, puro pambalibag.. Section 3 ako, lahat ng latak nasa ‘kin.. Nag-uumpisa talaga ako sa wala.. Mula sa paghawak ng lapis, papunta sa pagkatutong sumulat, bumasa, umunawa ng binabasa at magpaliwanag ng binabasa hanggang sa madaming bagay na kailangan nilang matutunan..
Sa maghapon, start ng 7:30 or 8 na kamo, makakaupo lang ako at makakapagpahinga ng 11 or 11:30.. resume 1:30, 4:30 na ulit ang tapos.. Kahit hindi ko gustong maging teacher talaga, iniisip ko din naman ‘yung mga bata.. Ayoko din naman silang pabayaan.. Kaya lahat ng pwede kong gawin, ginagawa ko para sa kanila..
Sabi nga ‘di ba ng mga kaibigan ko, nakalimutan ko na daw ‘yung sarili ko.. Lahat ng oras na pwede kong ibigay, ibinibigay ko sa kanila, kahit hindi pa ko matulog, basta lang may maiambag ako sa araw-araw nilang pagpasok sa eskwelehan.. Mabigat sa loob ‘yung mga pagkakataon na feeling ko hindi ako effective, pero mas lalo lang siguro akong magagalit sa sarili ko kung alam kong wala naman talaga akong pinaghihirapan at pinagsisikapan..
Kung hindi ko kayang mahalin ang pagiging teacher ko para sa sarili ko, at least for them, I am willing to do.. Kaya hindi ako nagpapabaya..
Kahit na minsan sumasakit ang puso ko, kung hindi ko kayang maging okay para sa sarili ko, pinipilit kong maging okay para sa kanila.. Sige pa din.. Turo pa din.. Nananaig pa din sa ‘kin ang kagustuhan kong tumulong sa ibang tao.. Wala akong ibang hinahangad kundi mapabuti ang mga batang dumadaan sa kamay ko..
Mas matatanggap ko pa ngang sabihan ako na WALA AKONG PAKISAMA kaysa ipamukha sa ‘kin na HINDI AKO NAGTUTURO.. Upuuan na ko ng lahat ng principal, supervisor at superintendent, hindi ako mayayanig.. dahil alam ko sa sarili kong NAGTUTURO AKO.. Case Closed!

No comments:

Post a Comment