Hindi ko makakalimutan ‘yung araw na ikinulong mo ko sa bahay natin kasi nakagawa ako ng isang bagay na naglagay sa’yo sa alanganin.. pero alam ko na ‘yung pagkakataon na ‘yon ang nagtulak sa’yo to trust me and respect me as a person.. You’ve seen me all these years.. siguro simula nung mga gabing nakikita mo kong nag-uurong ng mga tray sa jollibee na mas mataas pa sa ‘kin.. you’ve witnessed my sacrifices.. and even I don’t talk about what I have inside me, I know, you can feel it.. You can feel the sadness and pain every time my heart gets broken.. every time I get frustrated for losing the chance of reaching my dream..
Sabi ni Ayie, hindi naman talaga ito ‘yung pangarap ko, gusto lang kitang pasayahin.. Siguro malaking bahagi ng dahilan ng pangarap ko ,para mapasaya kayo.. Dahil ‘yun lang ang nakakapagpasaya sa ‘kin.. Dahil hindi nila alam, you’re all I have got all my life.. Na kahit ‘eto lang ako, kahit ganito lang ako, kahit matigas ang ulo ko, kahit na matigas ang loob ko, kahit na anong kasalanan ko, iniisip niyo pa din ako at mahal niyo pa din ako..
Kahit na ayaw mo ng maniwala sa ‘kin, kahit na pinipigilan mo na ‘ko, hindi ako susuko.. Alam kong ayaw mo na lang din kasi akong paulit-ulit na umasa at mabigo.. I still have 7 years.. Siguro sa loob ng mga taong ‘yon at wala talagang nangyari, tatanggapin ko nang wala na talaga akong pag-asa.. Sa ngayon, kailangan kong gawin ang magagawa ko para sa sarili ko.. Kahit hindi ako perfect daughter, you can still be proud of me.. Kailangan kong ipakita sa’yo na even you are not a perfect father, even we don’t have a perfect family, gagawin ko pa rin lahat para sa inyo..
Dadating ang araw na mangyayari din ‘yung gusto kong mangyari.. Hindi ko na hihingin ‘yung mga t-shirts mo, dahil magkakaroon na din ako ng para sa ‘kin talaga.. Hindi mo na ko kailangang ipagtulakan na mag-aral ulit, dahil kusa na ‘kong babalik sa eskwelehan para makapag-lateral entry..
Hayaan niyo akong maglayag sa kung saan ko gustong dalin ang sarili ko.. Wala kayong dapat ipag-alala, hindi ko man maipapangakong hindi ako magkakamali pero ipinapangako kong hindi ako gagawa ng mga bagay na hindi ko kayang tayuan.
No comments:
Post a Comment