Sometimes I don't want to talk about what is bothering me... Sometimes I just want a hug... Someone who will let me cry...


December 23, 2009

CHRISTMAS WISH

busy bukas kaya hindi ko na maipopost 'to..

hindi ko na mabilang 'yung buwan when it happened.. 'yung nagalit siya sa 'kin ulit.. pero it's the second christmas na wala siya..

hindi ko nga alam kung kailangan ko pa bang maging cherry o cherry flor sa buhay ko para maintindihan ko siya at para mapatawad niya ko..

tama naman kasi si bro sa santino, kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo kung ano ang tama at mabuti kahit na masaktan pa siya..

naisip ko nga ulit kanina 'yung tanong ko kay ivy, kung ano ba ang mas mahalaga, kaibigan o katahimikan..

alam ko naman na kahit alin man sa dalawa ang piliin ko, mabigat talaga ang kapalit..

pero kahit na pakiramdam ko binura na niya 'ko sa buhay niya, hindi pa din ako nagsisisi..

uulitin ko lang ulit 'yung sinabi ko dati na kung sakaling maisipan niya pa ding lumingon, nandito pa din ako..

SANA MAPATAWAD MO 'KO SIR ARCHIE.. namimiss ko na ang bestfriend ko..

December 22, 2009

LEAD ME LORD

Living in a two slimming coffee, a biguerlai tea and no rice life each day, super torture.. But the first thing I have to accomplish is to lose my “piggy” fats:) for me to be able to regain myself, need to have confidence outside of me.. Gradually, it's working.. I just have to be very patient because it will really take time.. And for the inside, I am pursuing again my top secret, novena every wed.. Maybe I should thank a friend for pushing me closer again to the one who can give me a total refreshment to my spirit, no matter what..

I’ve travelled the worthless road for so long.. I’ve been hurt by chances and choices and I’ve let them made my whole life come to its worst level.. I lost almost everything.. I thought I would be alright to see them gone but I wasn’t prepared to the side effects.. I isolated myself but wasn’t that brave to face the helplessness.. I never learned to get used to living on the grimness of being just an empty room.. And you know what was the hardest part, when the world is shaking the whole me, I have nothing to lean on..

Those days were already stored in the past.. With the help of the concerned people around me, I managed to fix my scrambled directions in life.. They helped me realize that it’s not too late to evolve from being bitter to better.. The secret, just be there.. Laugh with the rest of the world.. Cry with them.. Dream with them.. Dance with them.. Glow with them.. And grow with them.. After all, I am still alive and beautiful.. Haha:) (Wish I could upload our dance number so you’ll see one of my shining moments) I think it was a break in my dancing career.. hehe:) And most of all, the kids saved me.. even in my flat tire, they believed in me.. they embraced me in my weakest.. their hearts loved me at my worst.. Now I am sure what I really wanted to reach for myself.. I just want to live my life this way, as a not so great grade one teacher and someone who is loved and needed unconditionally..

Life goes on in spite of our refusal to move on.. The clock still ticks.. Our age is performing the 4 F’s.. And I’ve learned that the best result is all up to us.. It depends on what is in our hearts..

I don’t know what is waiting on me ahead.. Whatever things I need to drop, I will dump.. Whoever people I need to lose, I will let go.. My journey may be bumpy at times but I am sure it will be a worthwhile drive being in control of what is the ride all about.. The search is over.. I am on the right way now.. TO GOD..

December 20, 2009

OKAY BA?

nagpa-perm kami ni mam juday ng eyelashes.. wahaha:) sabi niya, hindi daw niya akalain na ako pa ang hahatak sa kanya sa mga ka-eng-engan..

Super lamig:) Sopasan na naman..

December 15, 2009

NAALALA NIYA PA PALA 'KO

Siya ang nagtext sa 'kin.. Bakit daw hindi na niya ko nakikitang nag-oonline.. Busy daw ba.. Bakit daw ang sungit ko.. Meron daw ba 'ko.. Uuwi na daw siya.. Malapit na.. Sure na sure na daw 'yon..

Pinabasa ko nga kay Mam Juday.. Okay daw para mawala na naman ako sa checking..

E ano ba sa 'kin? Paki ko ba sa mga plano niya.. Kasama ba kasi 'ko sa mga 'yon? Kung naiisip niya pa din akong isingit, para ano pa ba? May mangyayari pa ba? May magbabago pa ba?

It's best to accept that we are hopeless long long time ago..

Idinedeny nga niya 'yung latest white lady.. GrRrR.. Ako pa kaya ang nakabasa nung message sa kanya.. Nagseselos lang daw ako.. Bakit may karapatan ba 'ko?

Ginugulo lang niya ang isip ko.. I hate him..

November 21, 2009

SAKIT SA ULO.. pero smile pa din:)


na-reformat laptop ko kaya nawala lahat ng files.. napakasakit sa ulo.. CPR, Consolidation, at 18-E, 'yung sa promotion wala na.. tapos hindi ko maiinstall ng matino 'yung sa internet at ang pinakamasakit sa ulo, nawawala 'yung cd ng printer kaya wala akong matapos na report..

November 20, 2009

Fix Fix Fix..

i don't know where to start picking the pieces.. but at this point, all i know is it's about time.. the best time to reformat my whole life after all the wait and struggle to save the lost times..
sorry to me for his lies.. and sorry to him for my share of lies..
waking up from being just a trophy girlfriend is never that easy.. one of the worst feelings you could feel.. but if i never came to it, i would forever feel undeserving to someone who is also not worthy of the love i wish to give..
ang hirap isipin na lahat ng bagay na pinapangarap mo noon at ipinaglalaban, sa bandang huli itatapon mo lang din pala..
kailangan ko ng harapin ang realidad.. tanggapin ang katotohanan na wala naman talagang kapupuntahan ang lahat.. na kahit ga'no pa 'ko katagal maghintay, wala ng magbabago at mangyayari.. tapos na.. tama na..
masakit pa din pala.. pero okay na din.. lilipas din naman 'to.. magiging okay din ako..

OF ALL THE THINGS

http://www.youtube.com/watch?v=VQ-ZQzuKXwQ

November 12, 2009

F Salon

i had my hair short again after a long time.. yes, something went wrong.. something made me hate myself to the point i came up to this ugly decision.. i hate this day.. this is one of those times i would never look back..

November 10, 2009

After Two Weeks...

Gumuho na naman ang mundo ko.. Ewan ko ba..
But I got to try to be at my best all the time, if not for myself, at least for the kids..
It still hurts like before, it still feels like the whole me is breaking..
But I can't let anyone see the weakness.. I know I can pass this alone..
It's just one of those storms that will eventually end and go..
I also know that I can always pick up the pieces and reconstruct my world over and over again..
The only thing that somehow lightens the heavy feeling the realization brought inside me, the fact that someone is there beside me even I tend to close my door at times..
I should thank A.J. for melting the walls of my cold cold heart.. The only person who got the guts to care to someone like me..

October 31, 2009

Who is better, the young ONCE or the young ONES?

kung experience ang pag-uusapan, siyempre ano naman ang panama ng mga bago at bata di ba?
pero kahit na ganon, wala namang karapatan na i-underestimate ng kahit sino ang kakayahan ng iba..
konting respeto lang naman sa damdamin ng mga ginaganon nila.. spirit booster ba??? i don't think so..
'wag naman sanang kalimutan ng mga majojonda na minsan, nasa starting lane din sila..
(at malapit na sila sa finish line kaya mag-ingat-ingat na sila..) wahaha..
tatanda naman din ang mga bata.. madaanan din nila lahat.. matututo din sila..
iba-iba lang talaga ang panahon at pagkakataon.. iba-iba din ang mga tao sa pagtingin at pagtanggap sa mga bagay-bagay..

'wag naman silang masyadong adik!!! hindi naman sila marunong mag-computer!!! hindi sila in!!!

September 27, 2009

WISH NILA

More PAPA's to come daw.. Ngekk!!! WAG!!! Ayoko!!!
Naku, lalo na naman kayong mako-confuse kung ano ba talagang gender ang gusto ko wahaha:)
HOY! Hoy! at HOY!!! BABAE PO AKO!!!
Hindi lang talaga ako girly type..

Eversince naman ganito na 'ko ka-MATON.. inborn na AMASONA..
Mas komportable akong maging ganito ka-ASTIG..
Siguro magdadalaga din ako..
Magkakaroon din ako ng CRUSH.. Ma-iinlove din ako.. wahaha:)

Sa ngayon, talagang hindi ko pa iniisip 'yang mga ganyang bagay..
Iba pa ang trip ko sa buhay..

But don't worry, hahaba din ang buhok ko, sabi ko nga, when the right time comes..

September 26, 2009

HAPPY BIRTHDAY TO ME:)

Salamat kay Lord.. I'm still alive.. 2 years ago, akala ko mawawala na 'ko sa mundo.. e hindi pa pala.. wala pa kasi akong lahi wahaha:)

Wala naman na akong gustong mangyari sa buhay ko.. Gusto ko lang ng bagong laptop.. bagong cellphone.. bagong portable table.. bagong running shoes.. bagong raketa.. bagong krayola wahaha:)

I feel I already got the things I needed to be happy in this life.. I have a not so perfect family, but the fact that I have them is enough.. I have my friends.. bestfriends.. X-boyfriends.. mga kasama sa pakikipag-ungguyan sa kalayaan.. mga kabobo.. mga ugok at ugak kong kainuman.. and I have the kids--my clowns and yes, mentors, too.. I am the teacher but they are the one who taught me the importance of getting close to people and appreciating those who care for you, regarless of what you can do and what you can give..

The kids are my pushers.. From time to time, they are pushing me to excel.. I've learned to maximize my life because they inspire me to do so.. Walang sayang na oras at effort.. Every moment with them is an achievement for me..

Siguro kung may isang wish ako ngayon, sana lahat ng batang dumadaan sa kamay ko, lumaking may malinaw na direksyon sa buhay..

Hindi ko naman iwiwish na sana mabago na ang civil status ko hehe:)

Naniniwala naman ako na God has perfect plans for us.. Dadating din 'yon.. At kung hindi, CELEBRATE!!!

Hindi naman mag-eend of the world kung magiging old maid ako..

Marami naman tayo mga kaibigan..

September 4, 2009

YUMIE:)


Napapatawa niya talaga ko..
Kanina nag-quiz kami, isusulat ang V pag vowel at C pag consonant.. Sa number 1, leter O, C ang sagot nya, tapos sa 2 leter Q, ang sagot nya V.. Sabi ko baligtad.. Binaligtad nga nya ang sulat ng C. As in ganito )..
Wahaha. Na-gets nyo ba?
Sa halip na mag-init ang ulo ko napatawa talaga ko.. lalo akong natawa nung sinabi niya SABI MO KASI BALIGTADIN..
Ang ibig kong sabihen na baligtad ang sagot nya, dapat V sa 1, tapos C sa 2.. Hindi babaligtadin ung sulat ng C.. Ngehehe..
Paling pa nga ang dila kaya pati ako pumapaling na din ang dila..
Para kaming mga intsik.. In a way, it helps para mabawasan ang tensyon at peste sa environment..
Kaninang uwian, habang inaayos ko yung mga devices ko, hindi ko siya inutusan.. inayos niya yung mga desk kahit paling-paling, tapos nagwalis kahit na may naiwan pa ding kalat hehe.. At least di ba, me initiative, nadedevelop pa ang sense of responsibility..
Nakakatuwa talaga siya.. Ang cute-cute.. sobrang fashionista pa:)

July 14, 2009

HAY NAKU!!!

may casualty kahapon sa isang alaga ko.. naisip daw nila na dapat ako ang tinawag nila kasi "CLOSE" kami.. ewan ko, natatawa na lang ako 'pag sinasabi nilang lahat ng mga OUT OF THIS WORLD e malapit sa 'kin.. because no wonder dahil ganun naman ako.. WHATTTTT??? hindi ko din ma-explain kung bakit malakas ang appeal ko sa mga SPECIAL CHILDREN.. dahil ba autistic din ako noon? ngehehe:)nauunawaan ko sila, ganon? hay naku, alam ko na dati akong siraulo.. who would thought na magiging teacher ako? well, lahat naman ay may karapatang magbago.. KAYA iniisip ko na lang na magbabago din ang mga alaga ko.. hehe:)

July 12, 2009

HEALING

i was surprised by a call.. suddenly, na-boost na naman ang spirit ko.. knowing that he still remembers me, enough reason to bounce back.. hehe:)
it's almost a year since i've been trying to live my life with some spaces in my life empty.. sabay-sabay silang nawala.. i even asked god bakit ganun, he had not given me a fight.. biglaan lahat.. at wala akong nagawa.. hindi ko nakaya 'yung mga nangyari.. nag-cracked talaga 'ko.. and no one was there.. can you imagine those days na ayoko ng gumising.. hindi ko alam how i would get up from everything and move on.. 'yung mga sick-call chuva ko, charing lang talaga lahat.. ayoko lang talagang lumabas.. hindi ko na kasi alam ang gagawin ko.. inis na inis ako sa sarili ko kasi kung kailan ako tumanda tsaka ako naging ganun ka-helpless..
but really, there is always a time for healing.. i've said this before, that's the only assurance we can get from our experiences.. siguro god let this day happen na din kasi i've already learned to step on acceptance level.. even i am not completely healed but hopefully very soon, i'll get there.. konting panahon pa..

July 10, 2009

HERSHEY

malaki ang kasalanan ko sa kanya bilang isang teacher.. everytime na nakikita ko siya outside my classroom, sobrang guilt 'yung nararamdaman ko.. tama naman 'yung prof ko nung college sa rizal, THERE ARE TWO THINGS WE CAN DO TO OUR STUDENTS: MAKE OR BREAK THEM.. masakit mang aminin, alam ko I broke him.. I am responsible sa kung ano man siya ngayon.. alam niyo siya 'yung isa sa mga dahilan kung bakit ayokong umalis ng ACA.. up to now, sila 'yung nagbibigay ng dahilan sa 'kin to stay.. kaya hanggang ngayon hindi pa din ako sumusuko na mabigyan siya ng mas magandang pagkakataon na mabuhay.. kahit sinasabi ng kapatid ko na YOU CAN'T SOLVE EVERY PROBLEM IN THIS WORLD.. alam ko.. pero alam ko din na may magagawa naman ako kahit pano para makatulong sa pagbabago..
on monday, i am expecting he will come and accept my offer to be a part of my class again.. help me pray for the kid..

July 7, 2009

SUPERGIRL

matigas talaga ang ulo ko, naligo ako sa ulan kanina.. HAHAHA:) couldn't help it.. it's one of the things I really love doing, kahit na matanda na ako.. uminom na lang ako agad ng BIOFLU, hehe:) alam ko na ang kahihinatnan ko na naman.. pero kahit na lumala ang sakit ko, nothing compares to the moment na nag-eenjoy ka sa isang bagay na ginagawa mo.. ang saya-saya.. i feel free 'pag ginagawa ko 'yon.. kung nakita niyo pictures ko sa ACA na nakalusong sa tubig sa baha, tuwang-tuwa ako non kahit na kader-der hehe:)

July 3, 2009

TRUTH

Sori kasi naging bad girl ako.. hindi ako naging perfect daughter.. I didn’t shine in class like Ate Shane, all her life as a student.. I used to be one of everybody’s headaches.. regular customer ng Principal’s office.. isang rebelde.. one of the worst.. isang patapon.. That was me..
Pinilit ko namang magbago.. para hindi ako maging nakakahiyang anak.. kahit na galit ako sa’yo.. kahit na kinalimutan ko na ‘yung sarili ko para lang ipagmalaki niyo ‘ko..
Alam ko nabasa mo ‘yung journal ko kaya tinext mo ‘ko ng ganun kanina.. You have read how you broke me.. Umiyak na lang ako kanina.. kasi for almost 23 years of my life, tinago ko na lang lahat ng sama ng loob ko sa inyo.. Sa’yo.. Kasi ikaw.. napaka-unfair ng naging treatment mo sa ‘kin.. I grew up hating myself because my own mother didn’t show me my worth.. Naalala mo ba ‘yung pinaghihinto mo na ‘ko ng pag-aaral? Napahiya ako sa harap ng mga kaklase ko.. Ikaw dapat ang kakampi ko pero iniwan mo ‘ko.. Hindi ka naniniwala sa ‘kin.. hindi kasi ako kasing galing ni Ate.. sabagay, buong mundo naman ang nagpamuka sa ‘kin na pagdating sa kanya, walang kwenta ang buhay ko..
Pero sa kabila ng lahat, nanay kita.. at mahal kita.. Sana dumating ‘yung araw na maramdaman ko naman na proud ka sa ‘kin.. ‘Yun lang..
HAPPY BIRTHDAY, MAMA..

OFFLINE MESSAGES

Marites Diaz
Reply8:45 AM 7/4 hi jona
8:46 AM 7/4 cencya na di ko lng maiwasan mag react
8:46 AM 7/4 i read ur blog
8:47 AM 7/4 honestly i enjoy reading all ur blog,not bec i enjoy when i feel ur sad but its bec i see and feel a real preson in it
8:47 AM 7/4 taong tao,not afraid of expressing her feelings..tht is wht i am not
8:48 AM 7/4 go for wht u think is right and will make u happy and at peace
8:48 AM 7/4 hindi lhat ng tao ng kakaroon ng chance gawin ang mga bagay na gusto nila
8:49 AM 7/4 im just happy to know that whtevr things i wasnt able to do,thers still someone who do it my way
8:51 AM 7/4 anyway,goodluck and God bless..i will look forward for more of ur blogs,more positive and optimism

June 26, 2009

DOWN

Ilang araw na nga akong may sariling mundo na naman.. Nag-iisa.. Nagmumukmok.. Ayokong magsalita.. Ayoko ng kausap.. At ayokong magpaliwanag kung bakit o ano bang nangyayaring kababalaghan sa ‘kin.. Basta sa ngayon, gusto ko lang pasalamatan ‘yung mga tao na naiisip akong silipin sa lungga ko at dalhan ng pagkain.. Kahit pa’no hindi naman ako masyadong naghihinanakit sa mundo.. May mga kaibigan pa din akong maituturing na nag-aalala, nagmamalasakit at nagmamahal sa isang katulad ko.. May mga tao pa ding nagbibigay ng tulong at suporta, kahit na hindi ko naman hinihingi sa kanila.. Ma-swerte pa din talaga ‘ko, sa kabila ng pagiging autistic ko, haha: )

June 20, 2009

WEAKEST

Lately kaya ako naging sakitin kasi ‘yun yung gusto kong mangyari.. Kasi ayokong pumasok.. Ayokong lumabas ng bahay.. Ayokong makita ng ibang tao how everything makes me weaker each day.. Pano ko ba kasi ipapaliwanag sa mundo na GALIT AKO.. na NASASAKTAN AKO.. na AYOKO NA..
Sabi ng isang kaibigan hindi ko naman kailangang gawin ‘to.. Hindi, mali siya.. I need to do this para once and for all, matapos na.. Pero ganun nga lang ba ‘yon?
Ang nakakalungkot lang kasi, wala akong kaibigan na mapuntahan.. lahat sila nasa malayo.. Ayoko naman nung mga taong nasa malapit lang kasi pinaplastik lang naman nila ko..
Okay lang naman ako.. Ang gusto ko lang naman sabihin sa kanya na HOY GAGO PA DIN AKO, MAHAL PA DIN KITA.. ‘yun lang naman.. Pero hindi ko kayang sabihin ‘yon.. Hindi ko kayang sabihin sa kanya na mahal na mahal ko pa din siya at nandito pa din ako..

June 11, 2009

FRIENDSHIP

madali lang namang sabihin sa'yo ng ibang tao na kaibigan ka nila.. pero ang mahirap, sa kabila ng lahat ng ginagawa mo bilang isang kaibigan, hindi ka pala kaibigan para sa kanila..

kapag nadapa sila o nasa ibaba sila, pinipilit mo silang ibangon, tinutulungan mo silang makabawi.. pero pagkatapos ng lahat, at sa kabila ng lahat, sila pa ang maglalaglag sayo.. magdadapa.. magbaba..

nakakalungkot.. pero sadyang may mga "KAIBIGAN" na ganon.. may mga tao na mailigtas lang nila ang sarili nila, wala na silang pakialam kung masagasaan ka nila..

siguro, isipin na lang natin na hindi naman lahat ng tao ay ganon.. may ilan din naman na irerespeto ka at pahahalagahan sa tunay na ibig sabihin ng salitang KAIBIGAN..

tama ba 'ko mga KAIBIGAN???

June 8, 2009

SOMETHING IN THIS FANTASY IS REAL

hindi naman ako nag-ilusiyon lang.. minsan naman sa buhay ko naging matapang naman ako.. nagmahal at minahal naman ako..
hindi lang talaga lahat ng bagay sa mundo ay pangmatagalan.. minsan, kailangan din nating harapin ang mga pagbabago para sa ikauunlad na din ng pamumuhay natin..



salamat sa mga ala-ala.. last na 'to.. GOODBYE:)

June 7, 2009

PEOPLE COME AND GO

Matagal na panahon na din naman ang lumipas.. Pero aaminin kong may mga pagkakataon na nag-iisip pa din ako.. Siguro kasi hindi ko maintindihan o naintindihan ko man, may mga paliwanag pa din na gusto kong marinig..
Bakit kasi kailangang lokohin nila ko ng ganon? Ano bang kasalanan ko para saktan nila ko? Napakawalang-kwentang tao ko ba para tratuhin nila ko ng ganun?

Sa pagkakatanda ko, wala akong ginawang krimen sa buhay ko.. Nakagawa man ako ng mga mali pero hindi pa din ako maituturing na masamang tao..

Ang masakit kasi, minahal ko sila, ipinaglaban ko sila sa madaming pagkakataon, ipinagtanggol sa madaming tao, at inisip ko na mahal din nila ko, or somehow in their hearts, may space ako, pero hindi pala ganon.. Sinira nila yung magagandang paniniwala ko sa buhay.. Ipinakita nila sa kin kung gano kadumi ang totoong mundo.. Na wala palang taong hindi mo kilala ang magmamahal sa’yo ng totoo..

Siguro mas madami pa kong makikita, mas madami pa kong haharapin na makakapagpalungkot sa buhay ko, pero alam ko na ano pa man ang mangyari sa kin, hindi naman ako mawawalan ng pag-asa.. Patuloy pa din akong maniniwala na masarap pa din namang mabuhay..

Nagpapasalamat ako sa kanila na sa kabila ng lahat, maayos ang buhay ko ngayon.. Wala akong mga pinagsisihan.. Walang mga sumbat.. They broke my heart but they made my life better.. Imagine if I am not this tough and strong, saang mental or rehabilitation center kaya ako ngayon?

June 5, 2009

SY 2009-2010

no photos to upload yet.. aside from sira ang cam ko, e asar na asar ako sa kanila.. sobrang iingay.. at ang lagi kong naririnig sa kanila, "MAM HINDI KO KAYA!!!".. tapos nakakainis pa 'yung mga umiiyak.. AHHHH ako na lang ang iiyak huhuhu;(

nabigla lang siguro ko.. as of now, 48 na silang lahat.. at mukang madadagdagan pa sila.. and take note, lahat sila hindi marunong bumasa.. iilan lang ang marunong sumulat ng nakatuntong sa guhit.. nauubos ang oras at energy ko sa pagsusulat ng kopyahan o pagtetrace..

hayyyyy, kaya ko pa.. sila ang susuko sa 'kin.. lagot sila haha:)

May 11, 2009

NEED A HUG

Ganun talaga.. hindi tayo maganda, hindi sexy, hindi sosyal, hindi mayaman.. Pero tanong ni Mam Lisa, bakit ‘yun lang ba? EWAN KO.. Siguro.. Hindi rin naman ako mabait.. Nakakalungkot.. ka-chat ko si Jeraldine kanina, sabi ko nga sa kanya, sana nandito sila.. sana may aakap sa ‘kin at magsasabi na OKAY LANG YAN KAIBIGAN..
Umasa kasi ko.. akala ko iba siya.. pero ganun din naman pala.. hindi din ako importante sa kanya..

Wala na kong magagawa.. ayoko ng saktan ng saktan pa yung sarili ko.. masyado ng masakit ang mga katangahan at kagaguhan ko sa pagmamahal sa kanya.. mas kailangan ko na lang sigurong mas mahalin yung sarili ko.. at kalimutan lahat.. kahit hindi ganun lang kadali yon..

Alam niyo ba yung araw na umalis ako ng cabanatuan para lang makasama siya kahit sandali lang, that was the bravest point in my life.. Tinalikuran ko yung pamilya ko, iniwanan ko yung trabaho ko, kinalimutan ko muna lahat.. kasi mahal na mahal ko siya.. At yun na lang siguro yung matitira sa kin.. yung pagkakataon na ginawa ko yung magagawa ko to be happy, kahit sandali lang..
Pagbalik ko ulit dito sa Cabanatuan, puro problema ang binalikan ko.. pero kinaya ko lahat.. iniisip ko na lang na naging masaya naman ako..

Nagmahal lang naman ako.. Akala ko kami na talaga.. Pero hindi pala.. Nag-iilusiyon lang pala ko.. Sa isip ko lang may kapupuntahan yung KAMING DALAWA..

Iiyak na lang ako ngayon.. dahil bukas, gano man kasakit.. sa ayaw man o gusto ng isip ko, kakalimutan ko na lahat.. pagod na ko.. ayoko na.. hindi ko na kaya..

May 3, 2009

DANGER

Nakaumpok ang mga kapitbahay sa labas, may lalaki daw kasi na umaaligid.. Tapos sabi ni Muno, nakita daw niya yung Arman, yung hinuli ni papa dati, sa drugs.. Nung unang nakalaya yon, ilang gabi din niyang binabato yung bahay namin.. Nakakatakot siyempre.. kasi hindi naman natin alam ang takbo ng isip ng mga tao.. Katabi ko mang matulog yung binigay sa kin ni soldier, e ang tanong KAYA KO BANG GAMITIN? Hmpp.. hindi talaga ako marahas na nilalang.. kung alam lang nila kung gano kahina yung akala ng lahat na matigas na tao.. hindi ako ganon.. muka lang..

Kaya nga siguro nilagay ako ni lord sa teaching kasi mahina ako.. Haha.. Alam ko yon.. Alam kong hindi ko kayang maging malupit.. Hindi ko matatagalan na manapak ng ibang tao..

Nakakalungkot.. sa araw-araw na nakikita ko ang mundo.. minsan parang ayoko na ngang lumabas.. minsan iniisip ko na sana bata na lang ako ulit.. madami pa din akong hindi alam at hindi naiintindihan.. at ang mahirap, ngayong matanda na ko, mag-isa ko lang sa lahat.. gusto kong umiyak na nga lang.. uhauhauha, hehe, pero nagdadasal na lang ako na sana wag akong pabayaan ni lord.

May 2, 2009

FINE

hindi na masyadong mabigat ang pakiramdam ko.. joke lang ang kahapon haha:) u see, never akong naging capable manira ng kahit ano, manakit ng kahit na sino..

ayoko din na magalit ng magalit na lang.. wala nga akong ginagawang masama, pero hind naman mabuti yung nararamdaman ko at iniisip sa kanila..

bahala na si lord sa ating lahat..

April 30, 2009

???

Kanina ko lang mas nakita kung ga’no kalaki ang mundo, kung ga’no kadaming klase ng tao ang meron dito.. At ako, isa lang ako dun sa mga simple, ordinaryo at may napakamaliit na puwang..
Naisip ko din ang mga salitang PAANO, HINDI KO ALAM at HINDI KO NA ALAM..
Paano nga ba luluwang ang puwang ko dito sa mundo kung lagi na lang akong bigo? Hindi ko alam kung may pag-asa pa kong makaahon.. Hindi ko na alam kung paano pa ako lalaban..
Pero kahit naman ganito lang ako, nagawa ko namang maging makabuluhan ‘yung buhay ko.. Hindi man sapat ‘yung mga ala-ala at markang iiwan ko pero tama na sigurong pinilit kong gawin ang makakaya ko sa mga paraan na alam ko.. Hindi naman kasi madaling maglayag ng walang pupuntahan.. Hindi masarap tumakbo ng walang patutunguhan..

April 17, 2009

CHAT

Sabi daw ni sir soro, wag niya kong pababayaan.. Sabi ko pinabayaan niya na ko.. Sabi niya kung nandito lang daw siya babantayan niya ko.. Tinanong ko kung bakit, sabi niya BECAUSE I CARE..

Ayoko ng maramdaman yang CARE CARE na yan.. Hindi naman niya kailangang magpretend o guilty lang siya for neglecting me.. O tama si Ivy noon, yes, he cares.. but he cares about himself more..

If I would risk my heart again, I want certainty.. Ayoko ng nangangapa ako sa kung ano ba talaga ang stand ko sa buhay ng ibang tao.. Ayoko na ng lokohan.. Ayoko ng makipaggaguhan.. Ayoko ng masaktan..

April 16, 2009

KAYA?

kasi nung nag-usap kami non, sabi nga niya na hindi na magwowork.. kaya kahit masakit sa kin, pinipilit ko na lang isipin na tama siya.. kaya tama na..

kahit na magkita man kami pag nandito na siya, magkikita kami bilang dating magkaklase.. dating magkakilala.. dating magkaibigan.. yun lang..

2 years from now, or 5, hindi na ko ganito.. matututunan ko ding tanggapin ang lahat.. tatawanan ko na lang lahat ng kagaguhang to sa kanya..

masaya naman ako.. pero alam niyo at ayokong magpakaplastik, iba pa din siyempre kapag may lovelife ka.. madaming lalaki sa mundo.. alam ko yun.. pero ayoko sa kanila..

iba yung pakiramdam kapag si chris ang nakikita ko, kapag siya ang kausap ko, kapag inaakap niya ko.. iba yung feeling kapag magkatabi kaming natutulog.. iba yung happiness.. mahirap bang intindihin yon?

April 15, 2009

FAVORITISM?

Nung nag-aaral ako, alam ko na madaming estudyante at may ilang teachers din na ayaw sa kin o galit sa kin lalo na nung third year high school ako.. No doubt—Joven’s apple of the eye lang naman ako.. Pagagalitan niya lahat ng mga kaklase ko, pero ako, kahit na may mga kalokohan akong pinaggagagawa, uutuin niya pa ko.. Ipinagtatanggol niya ko sa pananakit ng ibang tao.. Pinoprotektahan sa mga pangit na katotohanan ng mundo..
Lumaki ako na nag-iisa.. Ang paniniwala ko, ako lang ang nasa mundo ko, wala akong kakampi.. Pero ipinaramdam niya sa kin non na hindi naman talaga ganon..
Isinasali niya nga ako sa mga contests noon.. Kahit nagpoprotesta yung mga kaklase ko na wag ako.. Naniwala siya sa kin.. Siya nga yung unang taong naging proud sa kin kahit na sabit lang ako sa mga nanalo.. Madami din akong contests na tinakasan non, pero kahit hindi ako nakasali, ako pa din ang panalo para sa kanya, ako pa din ang pinakamaganda sa paniniwala niya..
Ang sarap ng feeling na alam mo na may isang tao na kahit ano ka pa, tanggap ka.. Kahit anong mali mo, mahal ka.. Kahit ireject ka ng buong mundo, nandiyan pa din siya.. At kahit nagbago na ko ngayon sa lahat ng aspeto, hindi pa din nagbabago na ako pa din ang pinakaespesyal sa kanya sa lahat..
Alam niyo masaya na ko sa konting pagmamahal na ibinibigay sa kin ng ibang tao.. Nararamdaman ko na importante din naman ako.. Yun lang..

CONFUSE

Why he is making me feel na importante pa din ako sa kanya? Bakit ipinapakita niya sa kin na excited na siyang makauwi? Bakit niya sinasabi sa kin yung mga plano niya? Bakit gusto niya pa din akong makita? Kami pa din para sa kanya? O umaasa na naman ako sa wala?

Nagulo na naman ang papatahimik kong mundo kanina nung kausap ko siya.. Good news daw, may visa na yung mommy niya, anytime this month pwede ng magpabook.. Makakauwi na daw siya.. Madaming plano.. Gusto niyang bumili ng farm.. Sabi ko mahal yon.. milyon.. Akala ko daw ba di niya kayang bumili at wala siyang pera.. hehe.. OO.. Hihingin daw niya yung lupa ng mommy niya tapos ibebenta.. tapos ibebenta niya yung kotse niya, nacompute na daw niya.. HMpppp.. Tapos siyempre yung mga manok niya ang main event ng usapan.. napakadami na daw..

Mula nung nagkalabuan kami, kanina na lang ulit kami nag-usap.. At dahil yon kay sir soro.. Dapat ba magpasalamat ako sa kanya? May message nga siya kay Chris, pero hindi ko mabuksan.. Ayoko.. Bahala na silang mag-usap..

For now, maghihintay na lang ako ng bukas.. Bukas mababasa ko din yung message na yon pag nabasa na ni Chris.. haha..

GOODNIGHT:)

April 11, 2009

BAGONG BUHAY...


Gumuho naman talaga ‘yung mundo ko… Dahil hinayaan ko… Pinanghinaan ako ng loob… Nawalan ako ng mga kakampi… Ako mismo ang naglayo sa sarili ko sa mundo…

--Nagkagalit-galit kami ng mga tropa ko sa Park… nung una bihira na lang akong pumupunta hanggang sa isang umaga hindi na talaga ako gumising ng maaga para pumunta don… Kasi may mga mali akong nagawa na nakasakit sa damdamin nila… Kasi may mga tama akong ginawa na hindi naman nila matanggap na mas makakabuti sa kanila… Hindi ko na idedetalye basta alam na ni lord lahat… Napaka-komplikado kasi ng mundo madalas… Mula non, bahay-eskwelahan na lang ang naging mundo ko… Isinubsob ko ‘yung sarili ko sa trabaho… Pero alam niyo ba namimiss ko na ‘yung mga umaga na nakaupo kami sa gilid ng kalye, kumakain ng pandesal at umiinom ng softdrinks… nagtatawanan… masayang-masaya… ‘yung mga lugar na pinupuntahan namin para mag-jogging o long-run… ‘yung aerodancing… ‘yung mga gabi na umiinom kami… ‘yung mga joyride… mga adventures… ‘yung mga pagkakataon na nandiyan sila… na alam ko na may mga kasangga ko sa bawat paglaban ko sa pag-abot ng mga pangarap ko… Namimiss ko na ‘yung mga kaibigan ko…

--nung hindi ko na nakita si Regie sa ACA… unti-unting naubos ‘yung pag-asa ko, ‘yung buhay ko, ‘yung mga pangarap ko… wala naman akong magawa para mahanap siya… naawa na lang ako sa sarili ko kasi paubos na ng paubos ‘yung mga kaibigan ko… unti-unti akong nawawalan ng lakas para lumaban at maging masaya…

--nagalit sa ‘kin si Sir Archie kasi ako ‘yung dahilan kung bakit nalaman ni Ate Febean na may babae siya sa Zamboanga… Nalaman ng asawa niya ‘yung mga kalokohan na pinaggagawa niya… Mali ba? Bestfriend niya ko… Dapat ba hinayaan ko na lang siya? Pero ginawa ko lang naman ang alam kong tama para maitama ang mga maling ginagawa niya sa pamilya niya, sa ibang tao at sa sarili niya…
Mula non, hindi na kami nag-usap… Miss na miss ko na nga siya… namimiss ko na ‘yung bestfriend ko…

--nung umalis si Mam Lisa sa ACA… nilipat ng ibang school… alam niyo ba feeling ko non nawalan ako ng kakampi… nagpagupit nga ako ng buhok non… kasi hindi ko maiexpress kung gano kabigat yung nararamdaman ko… hindi ako makaiyak non… dahil kasabay non yung pagkakalabuan namin ni Chris…

--na-iinsecure naman talaga ko… hindi ako confident sa pagmamahal niya sa kin… kaya mas pinili ko na lang na hayaan na lang siya kahit na mahal na mahal ko siya… Sabi ko sa kanya, kung kami talaga kami talaga… Akala ko kaya ko pero hindi ko pala kaya… Tama naman siya… Hindi ako naniwala na may kapupuntahan kaming dalawa… Kasalanan ko kung bakit nawala siya sa kin… Choice ko yun… Nung huli kaming mag-usap, tinanong ko siya kung mahal niya pa din ako, sabi niya kahit sabihin niya na oo, wala ng magbabago… Mula non, araw-araw ko na lang iniiyakan lahat… Ayoko na ngang lumabas ng bahay pero kailangan ko pa din namang mabuhay di ba? Hanggang sa mapagod na din ako sa kakaiyak at kahihintay sa wala… Hindi ko na inisip na babalik pa siya… Dahil alam kong hindi na siya babalik talaga…

--nung sinoli ni PO1 Aguilar ‘yung papers ko… kasi walang quota ang Cabanatuan… pakiramdam ko non wala ng direksiyon ang buhay ko… wala na lahat… wala na talaga kong pag-asa… umiyak na lang ako ng umiyak… ang hirap-hirap kasing patuloy na maniwalang kaya ko pa… hindi ko na kaya… na-blangko na yung isip ko sa mga bagay na pwede ko pang gawin…

Akala ko talaga kahapon mamamatay na ko… Naisip ko kung may malulungkot kaya kapag wala na ‘ko? Maiisip pa kaya nila ko? May iiyak kaya? Si Ivy kaya iiyak? Si Sir Soro? Si Mama? Si Papa? Nakakaiyak ngang isipin na hindi… na okay lang… hindi naman ako kawalan sa mundo… isa nga lang ako sa mga nagpapabigat sa mundo… kaya dapat lang akong ibawas…

*Kailangan ko pa palang ma-ospital para maisip ko na buhay pa pala ko…
BUHAY PA AKO: )
BUHAY BUHAY BUHAY BUHAY
PA PA PA PA
AKO AKO AKO AKO
…………………………………………………………
At hindi naman ako ganon kabigat talaga at mas mabigat pa din ang mundo sa kin… hahaha… kapag naka-recover na ko… babalik na ‘kong park… nandun pa din naman ang mga kaibigan ko… at hinihintay lang nila ko na magbalik…
Para sa mga taong hindi ko na maibabalik, salamat… SALAMAT NG MARAMI… Sa lahat-lahat…
Hindi man ako kasing-lakas ng dapat sa ngayon, pero pipilitin kong harapin ‘yung buhay ko, saan man ako patungo… Hindi ko man masasabi na masayang-masaya ‘ko pero ano man ang nandiyan, makukontento na muna ko… Kailangan ko pa din namang magpagaling physically and emotionally…

April 6, 2009

CastaƱeda

For three years na pabalik-balik ako ng PPSC, ni minsan hindi ko inisip na sumuko kahit na alam ko na wala na kong laban… Palagi akong umuuwing bigo.. Pero patuloy pa din akong naniniwala na may pag-asa pa ko… Dahil yung mga pagkakataon na nandun ako, yun yung mga sandaling may kabuluhan yung mga pagsisikap ko… Don ko nararamdaman yung sarili ko… Nasasabi ko sa sarili kong ITO AKO…
OO, siyempre, kasama na dun yung gusto kong maging masaya si papa… Gusto kong maging top honor din… Gusto ko sa speech ko I will make them the proudest parents in the world… Wala namang masamang mangarap… ‘Yun na nga lang ang libre sa mundo sa ngayon… Kaya kahit alam ko na hindi madali, gumagawa pa din ako ng paraan…
Hanggang sa nitong huli nga… Pakiramdam ko gumuho yung mundo ko… Umiyak na lang ako ng umiyak… Kahit paulit-ulit na ganun yung nangyayari, ganun pa din yung pakiramdam… Ganun pa din kasakit…
Salamat sa mga taong naaabot ng pang-unawa nila kung ano man yung gusto ko at kaya kong gawin… Salamat sa paniniwala niyo na magagawa ko ding magtagumpay sa kung ano ba talaga ang gusto ko para sa sarili ko… Hindi pa din ako susuko… Bata pa ko… Madami pang pagkakataon… Mahaba pa ang panahon…

April 3, 2009

TIRED

hindi dahil sa buong araw o nilubugan na ko ng araw na nakaupo sa paggawa ng promotions ng mga co teachers ko... KASI, naalala ko lang na ito 'yung date na umalis ako non...

Sa mga oras na to nasa ALPS na ko, papasakay ng bus papuntang Lipa...

ito nga yung pinaka-brave na date sa buhay ko... ito yung pinakamasaya... ito yung iba sa lahat...

pero gang dun na lang yon... sabi ko naman sa sarili ko non, pagkagaling ko dun, magsisimula ako ulit, kahit hindi ko alam kung pano...

nagmessage nga siya sa kin, nangungumusta... hindi ko na sinagot... ano sasabihen ko? OKAY LANG AKO... yun na lang lagi...

mahirap kalimutan na lang yung taong mahal na mahal mo... hindi ko kaya... pero higit sa lahat, hindi ko na din kayang umasa...

sana wala na ko dito sa cabanatuan kapag umuwi siya... kasi ayoko ng magkita pa kami... lalo ko lang sasaktan yung sarili ko..

pero malabo yon... bahala na si batman..

TIRED

hindi dahil sa buong araw o nilubugan na ko ng araw na nakaupo sa paggawa ng promotions ng mga co teachers ko... KASI, naalala ko lang na ito 'yung date na umalis ako non...

Sa mga oras na to nasa ALPS na ko, papasakay ng bus papuntang Lipa...

ito nga yung pinaka-brave na date sa buhay ko... ito yung pinakamasaya... ito yung iba sa lahat...

pero gang dun na lang yon... sabi ko naman sa sarili ko non, pagkagaling ko dun, magsisimula ako ulit, kahit hindi ko alam kung pano...

nagmessage nga siya sa kin, nangungumusta... hindi ko na sinagot... ano sasabihen ko? OKAY LANG AKO... yun na lang lagi...

mahirap kalimutan na lang yung taong mahal na mahal mo... hindi ko kaya... pero higit sa lahat, hindi ko na din kayang umasa...

sana wala na ko dito sa cabanatuan kapag umuwi siya... kasi ayoko ng magkita pa kami... lalo ko lang sasaktan yung sarili ko..

pero malabo yon... bahala na si batman...

April 2, 2009

bad and good day...

nag-wild lang naman kasi si MTP...
para magmalaki lalo, trineat niya sa circles lahat ng matatag na naiwan haha... super immature...

kanina na-appreciate na ni P-10 yung message ko hehe...

madami naman akong accomplishments today... 10pm na nga akong nakauwi...

nakaka-badtrip lang ang joke or threat ni dragonna kanina... hmp... just want to help... try niya kayang gumulong baka sakaling umigsi yung sungay niya...

astig to, di niya kayang yanigin... haha...

nalibang ako talaga... tapos na lahat ng trabaho ko... trabaho na lang ng ibang kasama yung ginagawa ko...

sa crossing na kami nagdinner kanina ni mamlisa... nakakarelax talagang umupo don... wala lang...

bad and good day...

nag-wild lang naman kasi si MTP...
para magmalaki lalo, trineat niya sa circles lahat ng matatag na naiwan haha... super immature...

kanina na-appreciate na ni P-10 yung message ko hehe...

madami naman akong accomplishments today... 10pm na nga akong nakauwi...

nakaka-badtrip lang ang joke or threat ni dragonna kanina... hmp... just want to help... try niya kayang gumulong baka sakaling umigsi yung sungay niya...

astig to, di niya kayang yanigin... haha...

nalibang ako talaga... tapos na lahat ng trabaho ko... trabaho na lang ng ibang kasama yung ginagawa ko...

sa crossing na kami nagdinner kanina ni mamlisa... nakakarelax talagang umupo don... wala lang...

March 25, 2009

REST

Gumagawa ng paraan si mama at papa pati ang mga kaibigan ko… pero siguro kailangan ko munang mamahinga… Tumawag nga si tatay narsing kanina, kakausapin niya daw si gen. versoza, pero umayaw ako… sabi niya wag ko na daw pairalin ang pride… hays… hindi ko na alam… bahala na si lord…
Mas okay na muna to… me, broken… shattered… watch myself dying slowly… hehe… joke… pupunta pa kong bacolod… maghahanap pa ko ng gwapo don…

mas okay nga ngayon... mas nauunawain ko yung sarili ko... mas naaalala ko yung sarili ko...
kailangan ko pa palang magkasakit ng malala para matutunan kong mahalin yung sarili ko...
not too late naman...

tumatanda na talaga ko... may sagot na nga din pala ko sa tanong namin ni chris noon--5 years from now? simple lang naman... isa lang ang sigurado... may anak na kami ni chris non... wahaha... 'di ba bongga na kong mag-ilusiyon ngayon...
joking aside... 22 ako ngayon, so 27 na ko that time... hmp... siyempre isa na kong opisyal ng pnp cabanatuan... champion sa female executive run... may pamilya na ko... may makulit na anak... mas madami na kong kayang iluto by then... ahahaha... that is one of my biggest secrets, magaling akong magluto... no doubt, im FAT... at siyempre, masayang-masaya....

March 24, 2009

MOVING ON


AYAN NA 'KO NGAYON... AS IN NGAYONG ORAS NA 'TO.. 3:15 pm...
MEDYO OKAY OKAY NA 'DI BA? HAYS... DAMING LUHA ANG INUBOS KO WEHEHE...
PERO OKAY NA DIN... SABI NGA SOME RAINS DO NOT DROWN BUT CLEANSE...
PUPUNTA SANA KONG KAMPO NGAYON SA SAN MIGUEL PERO PWEDE PALA YUNG CHARGER NI MAM LOURDES KAYA ETO NAKAPAGINTERNET NA NAMAN AKO... HEHE...

March 21, 2009

ERVIN

Hinintay kita… hoping na kahit pa’no may halaga ‘ko sa’yo kahit na bilang isang kaibigan…
Pero masyado ko lang naramdaman sa araw na ‘to that I am always unloved, unwanted and undeserving… Ang sakit-sakit isipin that I’ve been rejected by the whole world all my life…
Kahit konting space lang sana… Maramdaman ko man lang na hindi ako nag-iisa… Gusto kong maramdaman na may karamay ako ngayon… may kakampi…

Hindi na ‘ko aasa… Hindi pala talaga pwede… Ayoko na…
Hindi ko na iisiping may mundo pa… Pagod na pagod na ‘ko…

March 17, 2009

TODAY


Ervin and Ericka...
I envy them silently...

One of the things I have missed in my life is having a KUYA...

See JB... One of the hated pupils in ACA...
But I like him... Because he likes me, too...
No wonder, we have a lot of things in common...
the difference is, he can express himself that I am always hesitant to do...

Records in Hall of Justice...
Alone... Alone... Alone...

I am closing my door to Chris not to close my world...
I am just done... Maybe in time, a door will open to me again...

DI NIYO LANG NAKIKITA... PERO DITO, SA LOOB KO, ANG DAMING BAGAY NA HINDI KO MAABOT...
KASI TAKOT AKO... KASI WALA AKONG LAKAS NG LOOB...
PERO SALAMAT... KASI NGAYONG ARAW NA 'TO, NAGAWA KONG UMIYAK NG UMIYAK DAHIL SA LAHAT...
PARA SA MGA PANGARAP KO... SA ILUSIYON... SA MGA IMPOSIBLENG BAGAY AT TAONG NANAKIT AT NANIRA SA MAGAGANDANG PANINIWALA KO...
MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT...

March 13, 2009

MY TURN


Ayoko kasing lalong bumigat ang loob ko kaya I confronted our GL regarding the IPITAN ISSUE… Hindi ako matatahimik if I would just shut my mouth with all the negative things she was saying against me… Medyo na-alarma ang mga kasangga kasi they didn’t expect na gagawin ko ‘yon…

Gusto kong umiyak kanina… Kasi alam niyo nung pasukan, ni hindi marunong humawak ng lapis karamihan sa mga estudyante ko, walang marunong bumasa sa kanila… After ng flag ceremony araw-araw, inuumpisahan ko na silang turuan… Hindi ako umuupo kahit pwede naman akong maupo hanggang uwian… Sa tanghali, kahit na pagod na pagod na ‘ko, sige pa din… Kahit uwian na, nagpapabasa pa din ako ng mga bata… ‘Yung mga librong hindi dapat ipamigay, ipinamigay ko… Nagpi-print pa ‘ko ng mga pwede nilang basahin sa bahay… Hindi ko ni-limit ‘yung pwede kong gawin at ibigay para sa development nila… Wala namang nakakakita ng lahat…

Hindi ko man pinangarap talaga na maging teacher pero hindi ko binabalewala ang pagiging teacher ko... Ginagawa ko lahat para tulungan ‘yung mga bata…

Simple lang ang buhay ko… At umiikot lang sa mga bata araw-araw…

Nagalit ako kanina kasi wala naman akong pwedeng ipagmalaki sa sarili ko at sa lahat ng tao kundi ‘yung mga bagay na ginagawa ko para sa mga bata… At pakiramdam ko nawawalan ng saysay lahat ng ‘yon dahil sa mababaw na pananaw ng ibang tao… ‘Yun na lang kasi ‘yung achievement ko sa buhay na pakiramdam ko kanina inaalis pa nila sa ‘kin… Pero naisip ko din na, sige okay lang, kasi God sees all my efforts and sacrifices for the kids naman… At someday, itong mga bata na ‘to, alam ko na hindi nila makakalimutan kung pa’no ko naging isang teacher at kaibigan sa kanila…

THANK YOU LORD:)


This isn’t really my dream, but I am here…
This is the source of my strength in my everyday struggle…

The kids are my direction…

No matter how bad I feel each morning I wake up, I get up on my bed, fix myself and do my job to them the whole day…

This is all because I’ve already realized what I need to realize why God put me here…

I am meant for the kids…
Regie--Payong Boy



ACA FAMILY

When there is a feeling of emptiness, some people come and fill the spaces…



The beauty that you can always depend on...

THE BEAUTY OF FRIENDSHIP:)



HEHBOON SOCIETY

WITH ZAIDO BOYS

In spite of all the heartaches I’ve had in the past, there was something wonderful that is worth remembering, you and me, Chris…

Even just for a while, I know I’ve had you… I was given the chance to love and be loved in return… And even though we ended just like that; I would still keep you here in my heart…
You will always be the most special man for me…
Icoy and Isay--Chris' cousins in Batangas...

Super Sisters Forever
Super Sisters Forever
Super Sisters Forever
Super Sisters Forever

Super Sisters Forever

Super Sisters Forever

My brods and Kent:)

At the end of each day, my family is all I have…

Through their perfect imperfections, no one in this world could ever make me feel I belong but only them…